6 : Heartbeat

7 1 1
                                    

Mikee's POV

Hindi maganda ang gising ko dahil kulang ako sa tulog. Maaga akong ginising ni Mr. Fredrick, 'literal na UMAGA'

Normal sa iba ang 9am pero hindi sa akin.

Hindi pa yata bumubukas ang mga mata ko dahil sa antok ay agad na niyang ipinaalam na ipalilinis niya ang kwarto ko. At alam kong kahit tulog ako at kahit wala ang permission ko, gagawin at gagawin niya ang gusto niya.

And here I am now, stuck with them in my room. Gusto ko sanang lumabas nalang at pumunta sa ibang lugar pero mas minabuti kong magbasa nalang at manahimik. Hindi ko ganun kakilala ang mga 'to at ngayon lang may nakapasok na ibang tao sa room ko.

"Umm,nagbreakfast ka na ba Miss Mikee?" pagtatanong ng isa sa kanila dahilan para madistract ako sa pagbabasa

I know that he's trying to be friendly or maybe he's just friendly.

Sasabihin ko bang 'oo', okay na bang sagot yun?,anong isusunod ko? or kailangan pa bang dagdagan?

"Tanggalin na natin yung kurtina Shin" pang-aaya nang kasama niya dahilan para mawalan na ako ng chance sumagot kaya ibinalik ko nalang ang atensyon ko sa pagbabasa ng libro.

Bahagya kong naipaling ang ulo ko kasabay nang pagharang ko ng palad ko sa nakakasilaw na liwanag mula sa labas. Nang dahil siguro sa sleeping pattern ko kaya ganito nalang kabilis akong mairita sa liwanag. Agad ko din namang ibinaba ang kamay ko nang di na ako makaramdam nang pagkasilaw dahil may humarang...

Nakuha niya ang atensyon ko, nakatalikod sya, nakatayo at hindi man lang umaalis sa pwesto niya. Tumutulong sya sa pagaalis ng kurtina. At ngayon ko lang napansin na tatlo pala sila ngayon sa room ko.

"Ako na dito bata"

"Tsk, matangkad ka lang nang kaunti sa akin pero di ako bata"

"Bro, pakilagay mo nalang sa isang tabi, kunin lang namin ni Shin yung pang palit" pagpapaalam ni Jerome

"Tsk..Tama bang ipasa sakin ang trabaho nila" rinig kong bulong niya nang maiwan syang magisa

Bumalik nalamang ako sa pagbabasa pero alam kong padabog niyang inihagis ang kurtina sa isang side nang room ko. Naramdaman kong naiba ang pwesto niya dahil sa paggalaw ng anino niya.

"Tss..Sinabi ko naman sayo e, magkikita't magkikita tayo ulit" bigla bigla niyang pagsasalita

"Kilala mo na ba ako ngayon?" pagtatanong niya pa

Hindi ako mabilis makalimot, kagabi palang nang dumating sya ay natandaan ko na agad. Siya yung lalaki sa convenience store. Pero kahit anong gawin ko ay hindi ko talaga maalala kung nagkita na ba kami dati, sa madaling salita ay hindi ko sya kilala.

"Woah!, ayos ah!" may pagkamangha niya pang sabi
"May talent ka pala sa pagdodrawing" dagdag niya pa na syang naging dahilan para lumingon ako sa kanya at makitang hawak niya ang isang typewriting.

'Te--ka, pa--paanong napunta sa kanya yun?'

Dali-dali ko itong kinuha sa kanya.
"Wag--..."panimula ko

" Wa--wala kayong dapat na hawakan na--na gamit ko" halos mautal ko pang dagdag

"Umm...o-okay ka lang?"

Bumibilis na naman ang heart rate ko. Sa bilis nito ay hindi ko na napigil pa ang sarili kong tumakbo papunta sa CR.

"Hey!!, okay ka lang ba?" paguulit niya pa

"Tinignan ko lang naman ah, nagbigay pa ako ng compliment" halos pabulong niya pang sabi

"Wala akong ginawang mali. Hindi ako magsosorry" dagdag niya pa

Hear My HeartbeatWhere stories live. Discover now