5 : With Her

3 1 4
                                    

Pxl's POV

"Pale skin, crimson lips" pagdedescribe ni Eugene

"Black sweatshirt, black pajama" dagdag pa niya

"Tapos yung mata, parang kukuha ng tao" wala sa realidad na dagdag ni Jerome

"Vampire? or maybe a Grim reaper?" pagtatanong ni Finn

"Tss...." iiling iling nalang akong napasandal sa sofa

'Ano bang kakaiba sa babaeng yun? Katulad lang din naman siya ng ibang mga babae'

"She's just---" panimula ni Shin
"She's just too gorgeous and irresistible. I think I already like her" dagdag niya pa

'Talaga bang nagconfess siya sa harap namin. Hindi niya ba talaga kayang sarilinin nalang yun'

Nakakatawa talaga ang isang 'to...
Natatawa ako sa sobrang inis.

"Haha, seryoso ba yan? Shin?" di makapaniwalang tanong ni Jerome

"Ang buong akala ko talaga matanda at lalaki ang boss natin, sa tingin ko halos kaedad lang natin yun eh" seryosong dagdag ni Rylie

"Nakakatakot sya, nakita niyo ba nung binati niya tayo, ni hindi man lang ngumiti tapos pinasadahan lang tayo ng tingin" di makapaniwalang sabi pa ni Eugene

'Tsss..di lang naman sya ang gumagawa nun sa buong mundo. Bakit kailangan ba talagang ngumiti kapag babati'

"Ako lang ba o sadyang nababalutan siya ng black aura kanina habang pababa ng hagdan" may pagtatanong pang dagdag ni Jerome

"Nakakakita ka ng aura?" natatawang pagtatanong ni Finn

"Medyo? O baka guni guni ko lang siguro?"

May pagkaseryoso niyang sagot dahilan para iiling iling na matawa ang lahat.

"Kakanood mo yan ng mga anime bro, hahaha" pagbibiro pa ni Eugene

Mayamaya pa ay natanaw na namin ang flashlight ni Mr. Fredrick.

"Sumunod kayo sa akin" pagiimbita niya

"Ano pong problema, Mr Fredrick?" pagtatanong pa ni Jerome

"May katagalan na din nang huling may manirahan dito, maaaring sa main fuse ang naging problema"

Nasa harap kami ngayon ng stock room nang bigla siyang huminto at humarap sa amin.

"Sa susunod na mangyari ulit ang ganito, tandaan niyo sanang hindi niyo kailangang tumawag pa ng ibang tao. Katukin niyo lang ang kwarto niya sa itaas."

"Po?" pagtataka ko pa

Bahagya syang ngumiti bilang sagot.

"Kaya niya?" pabulong pang dagdag ni Eugene

Ibinalik ng matanda ang kanyang atensyon sa pagbubukas ng pinto.

"Kailangan muna nating mapaltan lahat ng pumutok na bumbilya."

Nang mauna syang makapasok sa loob ay agad din naman kaming sumunod.

"Sa tingin ko ay ito ang inyong hinahanap"

Hear My HeartbeatWhere stories live. Discover now