"Don't worry, I'll make sure na ito na ang huling beses na gagawin mo 'to. At gaya ng ipinangako ko, bilang kapalit ipagdadrive kita kung saan mo man gusto pumunta--" huminto sya bago napunta sa akin ang atensyon niya "nang walang angal"
Kanina pa sya nagsasalita pero wala sa kanya ang atensyon kundi na sa seatbelt na kanina ko pa pilit na tinatanggal.
"Tsk. Pwede ba, kahit ngayon lang umayos ka"
Lumapit sya sa'kin atsaka ako tinulungan sa seatbelt"Sa-salamat"
"Kailangan ko ng girlfriend ngayon at hindi robot. Alam mo naman siguro kung ano ang dapat ikilos ng isang mag girlfriend-boyfriend di ba?"
"Hindi"
Agad kong sagot. Totoo naman kasing wala akong alam sa mga ganung bagay.Itong pagsama ko sa kanya para maging fake girlfriend niya sa isang double date ay wala din naman sa kagustuhan ko. Hindi ko nga matandaang sumang-ayon ako sa gusto niya basta nalang akong napunta sa ganitong sitwasyon dahil kay Mr. Fredrick.
"A--anong lakad?"
"Yung double date. Kailangan ko nang girlfriend para bukas, ayoko lang mapahiya kaya sana mag-ayos ka" seryoso niya pang sabi
"Th--that's your problem" matapang kong sagot sa kanya
"Tss. Fine. Basta kapag naghanap si Mr. Fredrick sasabihin ko na lang na lumabas ka. Tapos tatanong ko na din kung allowed ka bang uminom"
"Then tell him"
"Ano ang bagay na gusto mong sabihin sa akin?" biglang pagtatanong ni Mr. Fredrick dahilan para makaramdam ako ng takot
"At bakit gising pa kayo nang ganitong oras?"Diretso lang akong nakatingin sa kanya bago niya ako bigyan ng isang nakakalokong ngiti.
Huminga nalang ako ng malalim at handa na sana akong gumawa ng dahilan kay Mr. Fredrick nang unahan niya ako sa pagsasalita.
"Mr. Butler, I mean Mr. Fredrick, nakita ko kasi itong si MISS MIKEE--"
muli niya akong nilingon bago naglakad palapit kay Mr. Fredrick dahilan para agad din akong humarap sa kanila"Nakita ko kasi itong si Miss Mikee dito sa ibaba mukhang may lakad sya--"
Sasabihin niya nga talaga.
"mukhang may lakad sya bukas, kaya tinatanong niya ako kung pwede ko ba daw syang ipagdrive at ipag-paalam sa inyo"
YOU ARE READING
Hear My Heartbeat
RandomMeet Mikee, the heiress of the Chavez family. A gorgeous lady who prefers to sleep at daytime and stay awake at night. She seldom smile and talk to people. She loves everything black. And sadly, she have this irregular heartbeat. In accordance with...