8 : Eyes On Me

5 0 0
                                    

Darth Vader: Hey!!

Darth Vader: Woi!!!

Darth Vader: Busy?

Darth Vader: Online, pero di man lang magreply.

Darth Vader: Naglalaro ka ba ngayon? Anong game?

Darth Vader: Pasali!!!

Darth Vader: COD (Call of Duty) tayo

Darth Vader: pssssttt!!!!!!!!!!

Grand Admiral M: Tss...ang ingay mo.

Darth Vader: yunnn!! Nagreply din.

Darth Vader: Atsaka di kaya ako maingay, chat lang 'to e. Gusto mo ba voice chat tayo?

Grand Admiral M: ano ba kasi yun?!

Darth Vader: Galit ka? Naghahanap lang naman ako ng kalaro.

Grand Admiral M: Wala ako sa game. I'll be gone for a while but I'll be back soon.

Darth Vader: So busy nga? Hanggang kelan?

Grand Admiral M: IDK...

Darth Vader: Paano na 'ko? huhu , wala nang bubuhat sa'kin.

Grand Admiral M: ...

Darth Vader: Dots? Ano yan code? Na naman? Admiral! di ako marunong magbasa ng code.

Darth Vader: Admiral ano ba meaning nyan? Three dots equals three days? or months? year?

Darth Vader: Admiral!!!!!!!!

Darth Vader: Grand Admiral!!!!

Darth Vader: Wag mo 'ko iwan I STILL NEED YOU....

'Napaka-OA niya masyado para sa isang lalaki'

Tinitigan ko lang sa monitor ang huling conversation namin sa discord. Isang group-chatting platform usually for gamers pero parang ngayon pwede na din yata sa iba't ibang communities. And that convo happened a month ago.

'I'm glad he stops bugging me'

Five years ago nung pumasok ako dito. Hindi ako marunong makipag-socialize pero dala na din ng curiosity ko kaya nadiscover ko ang paggamit nito. And yes, I'm an online gamer. Di naman kasi ganun kaganda kung sa pagbabasa ng libro nalang iikot ang takbo ng buhay ko kaya nagtry akong magkaroon ng bagong pagkakaabalahan. Aaminin kong nagenjoy ako, hindi naman ako tatagal sa paglalaro kung hindi ko naramdaman yun.

Then, I met this 'Darth Vader'. I usually ignore every private or direct messages from anyone, di din ako ganun kadalas magreply sa mga group chats pero sadyang makulit ang isang 'to. Actually, his username is what caught my attention back then. So I read his messages, puro pangungulit na sana replyan ko siya, na gusto niyang sumali sa guild, na gusto niya ako makateam or makapartner sa isang 2v2. Halos araw-araw niya yon ginagawa at wala talaga akong balak na magreply. Usually kasi ng mga private messages na nakukuha ko kapag hindi ako nagreply hindi na ulit umuulit pa pero ang isang 'to kakaiba.

Hear My HeartbeatWhere stories live. Discover now