1 : Welcome To Chavez Mansion

16 2 12
                                    

Rylie's POV

Masyadong awkward na magkakasama kaming lima sa iisang sasakyan...

Di kami magkakakilala, mga bago sila sa paningin ko at walang kahit na sino sa amin ang nagsasalita. Para kaming nagpapakiramdaman na ewan.

"ang boring 'noh?" nasabi ko na lang ng mapatingin sa akin ang katabi ko

Bahagya akong ngumiti sa kanya.

Nakatingin pa din siya sa akin, kaya inilahad ko ang kamay ko para magpakilala.

"Ahmmm.., I'm--I'm Rylie"

"Shin" pagpapakilala niya sabay kuha sa kamay ko at nakipagshake hands

Binitawan niya din naman ito kaagad dahilan para mapatango na lang ako habang nakangiti sa kanya.

"O..."

Naibaling ko ang tingin ko sa iniaabot niyang chocolate bar..

"Huh?" tanong ko

"Ahmmm.....for you?"

"Thank you"

Ang sama ko naman kung tatanggihan ko.
Inilabas niya ang isa pang chocolate bar galing sa bulsa niya at binalatan ito...

Medyo natawa ako sa ginawa niya kaya seryoso siyang napatingin ulit sa'kin.
"A-ah...sorry"

Para kasi siyang bata na ngayon lang makakain ng chocolates.

Binuksan ko ang binigay niyang chocolate bar, kakainin ko na sana ng pag-untugin niya ang bars na hawak namin
"Cheers" nakangiti niyang sabi kasunod ng mabilis niyang pagsubo dito

"Ah. yes--ch-cheers" patango tango ko nalang na pagsang ayon sa kanya

Ibinaling ko sa labas ang tingin ko habang kinakain ang chocolate bar.

Biglang huminto ang sinasakyan namin kaya mas inusisa ko kung nasaan na kami. Kapansin-pansin agad ang mga naglalakihang bahay sa paligid.

Mula sa kinauupuan ko ay kitang kita ko ang isang mataas at lumang gate na bigla na lang bumukas.

Tumuloy ang sinasakyan namin sa loob nito at mayamaya pa ay muli itong huminto.

"Finally...!!" may paguunat na sabi nung isang kasama namin

Biglang bumukas ang pinto sa gilid namin.
"Nandito na tayo" bungad sa amin ng matandang lalaking nagdala sa amin dito

'Wow.'
Sa sobrang lawak ng lugar ay di ko napigilang mamangha

"Welcome to Chavez Mansion" pormal na pormal niyang pagbati sa amin, dahilan para mapunta sa kanya ang tingin ko

Masyadong pormal ang suot niya, ang pagkilos at pananalita.

Bago pa niya akong mahuling nakatingin sa kanya ay naibaling ko na agad ang tingin ko sa harap naming lima, sa likod niya

"Wo..w..."
Di ko na napigilang bigkasin ang salitang yun.

Nasa harap kami ng isang malaking.....
malaking bahay.
May kalumaan na ang kulay pero masasabi mo talagang maganda at sobrang yaman ng nakatira dito dahil sa disenyo nito

"Pumasok na tayo" pagiimbita sa amin nang matanda

Nauna siya sa napakalaking pinto ng bahay para pagbuksan kami.

Maganda yung view sa labas, pero grabe sa ganda ang view na meron sa loob.

"Wooowwwww...." pagkamangha ni Shin

"Tch...parang bata" rinig kong bulong nung isang may malaking earphone

"Mas malaki pa sa bahay namin.." pagpapatuloy pa ni Shin

Hear My HeartbeatWhere stories live. Discover now