13 : The Princess, The Witch, The Prince (Part 1)

6 1 0
                                    

"Good morning! Miss Mikee"

"Miss Mikee! good morning"

Isa-isa nilang bati maliban kay Luigi at Finn na nakaupo na sa harap ng mesa habang abala ang iba sa paghahanda ng agahan.

Masigla akong ipinaghatak ng upuan ni Shin kasunod nang mabilis niyang pagkilos para lagyan ng pagkain ang pinggan ko.

Masyado silang busy at mukhang wala namang bago. Kung iisa-isahin ko ang mga galaw nila sa tingin ko hindi pa nakakarating sa kanila ang nangyari sa akin kahapon.

That was really unexpected. Sa buong buhay ko, kahapon ko lang naranasang masampal nang ganun.

At nasampal ako dahil daw inagaw ko ang boyfriend niya, na dahil daw sa'kin kaya nagbreak sila.

'That freak.'

Inabangan niya talaga ako dun sa tabi ng locker ko. Bigla nalang siyang sumugod at nanampal tapos ganun lang yung dahilan niya?

"Miss Mikee? Okay ka lang?" pagtatanong ni Jerome dahilan para mapunta sa kanila ang tingin ko na ngayon ay nakaupo na sa harap ko

"Miss Mikee, roses for you" nakangiting sabi ni Shin habang iniaabot sa akin ang rose at gaya ng mga nakaraan, tinignan ko lang yun atsaka ko nalang ibinalik sa pagkain ang atensyon ko.

Kita kong ilalapag niya ulit iyon sa gilid ng pinggan ko.

"Shin" panimula ko dahilan para mahinto sya kasunod ng pagbaling ng atensyon ko sa kanya "I don't like you." diretso at kalmado kong sabi sa kanya.

Ramdam ko ang paghinto sa pagkain nila Jerome dahil sa sinabi kong 'yun.

"Ehemm!! ehemm!! ehemm!!"

Napunta kay Luigi ang tingin ko dahil sa pagkasamid niyang yun na mukha namang totoo dahil sa mabilis niyang paginom ng tubig.

'May mali ba sa sinabi ko? Ang sabi niya, kung kung ayaw ko kay Shin sabihin ko lang.'

"But, I like you. Kaya tanggapin mo yung rose, please!" sabi niya bago niya tuluyang ilagay sa tabi ng plato ko ang rose at maupo sa tabi ni Jerome

Ngayon ko lang napansin, hindi pala sila kumpleto. Wala si Rylie, si Pxl at Zark.

"Miss Mikee, maagang umalis si Rylie. Pero siya ang nagluto ng lahat ng 'to bago siya pumasok kanina." pagbibigay-alam ni Eugene na para bang nababasa niya ang iniisip ko

"Napakabusy niya masyado. Ikaw, Luigi buti wala kang maagang schedule ngayon. Sasabay ka ba sa'min?" tanong ni Jerome sa kanya

"Okay lang ba?"

"Oo naman, may pwesto pa. Ako ang magmamaneho ngayon."

"Nice!"

"Gusto ko lang maranasang ipagdrive si madam."

Agad na napunta sa kanya ang tingin ko dahil nagulat ako sa itinawag niya sa akin.

"Si--si Miss Mikee" pagtatama niya

"Ipagdrive si Miss Mikee o makapagdrive ng BMW ni Miss Mikee?" biro sa kanya ni Eugene

"Ahmm. Both?"

"O, aalis ka na Pxl?, Nagbreakfast ka na ba?"

Napadaan siya sa amin para kumuha ng malamig na tubig. Naka-black leather jacket habang bitbit ang helmet.

Nakatingin siya sa akin ng ilang segundo bago napunta kay Eugene ang atensyon niya.

"Maaga yung klase ko. Sa canteen na lang siguro." sagot niya. Bago siya umalis ay nakita ko pa syang muling tumingin sa akin na para bang may gusto siyang sabihin.

Hear My HeartbeatWhere stories live. Discover now