11 : Savage

2 0 0
                                    

Pxl's POV

Pababa na ako ng makita ko siya sa sala, nakatayo habang pinagmamasdan ang kaliwang kamay niyang nakabenda. Itinaob, itinihaya tapos pinaikot-ikot, dahan-dahan niyang iginalaw ang mga daliri para subukan itong ikuyom nang bigla siyang huminto at ngumisi. Tapos bigla niyang nilingon ang direksyon ko.

Nakatingin lang sya sa akin na para bang isang inosenteng bata. Walang nagbago sa mga tingin na yun, simula nung una namin siyang makita ganun pa din ang mga matang yun. Hindi mo alam kung anong iniisip niya o kung anong nararamdaman niya. Walang kahit na sino ang makakapagsabi kung masaya ba sya, malungkot o nasasaktan. Pero may isang bagay akong natuklasan sa kanya nung araw na isinama ko siya para magpanggap na girlfriend ko.

She is a time bomb.

Pag di mo napigil bigla nalang sasabog. At kailangan mong maging matalino para sa bagay na yun.

Hindi mo alam kung kelan sya magsasalita o gagawa ng mga bagay na hindi mo inaasahan. Basta kapag puno na yung emosyong nakatago sa kanya, bigla niya yung ipuputok na parang baril at sasabog sa harap mo na parang bomba.

At yun yung nangyari nung araw na halikan ko sya. Natawa pa ako nung bigla siyang umalis pero alam kong nagulat sya dun sa ginawa ko tapos nung kami nalang sa parking lot, sinampal niya ako, nang napakalakas. Pero kung titigan mo sya nung mga oras na yun, wala kang makikitang galit o kung ano mang emosyon sa mukha niya.

Gaya nung umagang sinipa niya ako at kahapon nung makuha niya ang sugat sa kaliwang palad niya.

"Naglaro si Grand Admiral M nung nakaraan ah, balita ko Victory nanamankwento ni Eugene habang tutok-na-tutok sa cellphone niya, naglalaro kasi kami ngayon ng mobile legends.

Nagkayayaan kanina pagka-alis na pagka-alis nung matandang butler  kaya ito kami ngayon sa sala, ineenjoy ang pag-alis niya.

"Ah oo, nakita ko nga. Ang galing nga nila ni Darth Vader e." pagsang-ayon pa ni Shin na nanonood ng NBA katabi ni Jerome.

"Lagi naman e. Parang hindi naman natatalo ang mga yun kapag magkateam. Kulang na nga lang isipin kong sila ang nagdevelop ng mobile legends. Isipin niyo yun halos ilang buwan lang nung mabalitaan kong nilaro na din ni Grand Admiral M yung game tapos ngayon Mythical Glory na." dagdag pa ni Jerome

Hear My HeartbeatWhere stories live. Discover now