10 : I'll be okay

3 0 0
                                    

Nakaupo ako sa harap ng PC nang sunod sunod na pagkatok mula sa balcony ang gumambala sa'kin.

Hindi ko yun pinansin at ipinagpatuloy ko na lang ang ginagawa kong sketching. Pero sadyang makulit ang kung sino mang kumakatok na yun. Halos basagin na nya ang glass door ng balcony kaya tumayo na ako para pumunta don.

Ang aga aga pero kung makapangulit ang mga yun, sobra. Hindi ako nag-alangang lumapit dun para hawiin ang kurtina, alam ko naman kasing walang ibang taong gagawa nun kundi  isa sa walong yun. Impossibleng si Mr. Fredrick dahil mula iyon sa balacony...

teka nga, paanong--

Nakita ko syang ngiting ngiting nakatayo dun, nakashorts at naka-puting sando. Isinenyas niyang buksan ko yung door na sya namang ginawa ko.

Anong trip nanaman 'to?

Paano sya nakaakyat dito?

"Good morning, Miss Mikee" inabutan niya ulit ako ng rose "Roses for you"

Tinitigan ko lang yung rose atsaka napalingon sa likod niya. Lumapit ako dun para makita kung paano siya nakaakyat.

May hagdang nakasandal dun at mula sa taas kita ko ang ilan sa kanila na busy sa pagpipintura ng mansion. Lahat sila ay naka-white sando at kumukorte dun ang magandang hubog ng mga katawan nila.

"Hello Miss Mikee!! Good Morning!!" masiglang bati sa akin ni Jerome nung mapansin niya akong nakatingin sa kanila

"Tss..."

Dahil dun sa ginawa niya ay sunod sunod na silang nakatingin sa akin at bumati.

Humarap ako kay Shin na hindi nawawala ang ngiti sa'kin.
"Kunin mo na yung rose, umakyat ako ng ligaw e." sabay turo niya sa hagdang ginamit niya

Napataas nalang ang mga kilay ko sa kawalan ng pagpipilian kundi tanggapin yun. Kinuha ko ang rose at mabilis na bumalik sa loob, sinarado ang pinto at hinatak ang malaking kurtina.

Simula nung nag-I-Like-You siya sa'kin. Halos araw-arawin na nya ang pagbibigay ng rose at nang kung ano-ano sa'kin at dahil hindi ko hilig ang rose ay naiimbak lang ito sa trash bin. Sya din ang madalas gumising sa akin tuwing umaga, walang palya yung ngiti niya at yung masiglang bati niya pagkakabukas ko ng pinto sa umaga.

Hindi pa man ako nakakaupo ay may sunod sunod na katok na mula naman sa pinto sa labas ng room ko ang nakakuha ng atensyon ko. Binuksan ko iyon at nakita ko ulit ang charming smiles niya.

"Miss Mikee, good morning. Tara, magbreakfast ka muna"

Sumunod din naman ako sa kanya pababa sa dining area.

"Rylie, papunta ka ba sa laundry area?" agad na tanong sa kanya ni Eugene nang makasalubong namin sya

"Oy, Zark! Bro!, sa laundry area ka ba? Pasabay naman nito" walang nagawa si Zark nang sa pilitang ibigay sa kanya ni Eugene ang balde

"Hi, Miss Mikee" bati pa ni Eugene bago sya makaalis

Malapit na kami sa dining area ni Rylie nang may mapagtanto ako.

"Babalik ako" paalam ko sa kanya kasunod nang paglalakad ko ng mabilis papunta sa lugar na yun

Kinakabahan ako.

'Bakit ba kasi nawala sa isip ko yun?'

Nang matanaw ko si Zark ay sinadya kong unahan sya sa paglalakad kasabay ng pagkuha ko sa baldeng hawak nya. "A--ako na"

Hear My HeartbeatWhere stories live. Discover now