Chapter 7

24 1 0
                                    

CHAPTER 7




Dangerous










Nandito ako ngayon sa clinic pero hindi ako mapakali. Masama yung pakiramdam ko huhu, LBM na ata to.






Kanina kasi sa bahay hindi naman sumama yung tiyan ko.Ngayon lang pagdating ko dito kainis.






Nakakailang balik na ako sa cr, inaalala ko nga kung anong kinain ko kahapon para sumama ng ganito yung tiyan ko.








Buti na lang wala akong pasyente ngayon pero kahit ganon gusto ko pa rin umuwi. Magha-half day leave na lang ako hindi ko kasi ma-predict tong tiyan ko. Minsan kumukulo na kumikirot huhu.







Inayos ko na agad ang mga gamit ko, pagtapos noon ay lumabas na ako.








Pagtapos noon ay nagsabi na ako kila Stef, nagbigay na rin ako ng letter para ipabigay kay Dr. Guerrero. Bukas ko na aayusin yung half day leave ko.










"Ingat ka pauwi."sambit ni Stef








Tumango na lang ako tsaka tuluyang umalis. Pagtapos noon ay dali dali na akong sumakay sa kotse ko.





Uminom na ako kanina ng emodium at buscupan pero ganon pa din eh kaya kailangan siguro umuwi na muna ako.








Habang nasa kalagitaan ng traffic ay napahinto ako sa isang karinderya na merong ihaw ihaw. Aha! Naalala ko na. Nag-ihaw ihaw nga pala ako kagabi. Baka doon sumama yung tiyan ko huhu.








Pinagmasdan kong maigi yong mga ihaw ihaw. Isaw, atay, barbeque at dugo! Napakamasiba ko naman kasi grr.







Habang tinitignan yon ay laking gulat ko ng mahagip ng mga mata ko ang isang pamilyar na mukha. Nang ibaba ko ang bintana ko ay nakumpirma kong si Phanton nga yon!








Saktong umusad na rin ang traffic kaya agad akong lumiko para sundan siya. Papasok siya ngayon sa isang kanto.







Sinundan ko lang siya ng sinundan hanggang sa makarating ako sa isang building na may tatlong palapag.




Dahil doon ay agad kong pinark ang kotse ko sa kabilang kanto tsaka tuluyang bumaba para sundan siya.








Alam kong hindi ko naman trabaho to pero gusto kong makumpirma kung si Phanton nga ang taong nasa likod nito.







Nang makababa ako ay tinignan ko ang kabuuan ng building. Merong tatlong daan na pwedeng gamitin papasok. Isa na doon ang pintuan sa harap, isang pintuan sa likod at panghuli ay ang mga bintana.








Dahil doon ay napagpasyahan kong gamitin na lang ang pintuan sa likod.









Dinala ko rin ang baril ko in case of emergency. Oo meron akong baril kahit psychiatrist ako, sa militar pa din naman ako nagtatrabaho eh kaya kailangan ko nito.








Nang akmang bubuksan ko na ang pinto ay laking gulat ko ng may magtakip sa bibig ko. Kasunod noon ang paghila saakin ng kung sino mang nagtatakip sa bibig ko patungo sa may maliit na eskinita.








Dahil doon ay nagpumiglas ako pero mas lalo lang niyang hinigpitan ang pagkakatakip sa bibig ko.











"Agapita ako to si Hajime, wag kang magulo! Mahuhuli nila tayo."









Croaker In Charge (DWS#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon