Chapter 15

24 2 0
                                    

CHAPTER 15


Confirmed









Matapos noon ay sinimulan ko na nga ang therapy.






"Gaya ng sinabi ko nung nakaraan ngayong araw na to ay pag-uusapan naman natin ang stability mo. Malaki ang matutulong ng stability mo sa paggaling mo. Makakaiging hindi ka mai-stress, walang gugulo sa isip mo at most specially ma-overcome mo lahat. Yung takot, yung phobia...lahat."mahinahong sambit ko









Pagtapos noon ay tumango lamang siya.












"Lately ano bang mga bumabagabag sayo? Kailangan mong sabihin saakin lahat ng sa gayon ay matulungan kita."mahinahong sambit ko








Nang akmang magsasalita na siya ay bigla na lang nag-ring ang cellphone niya.



Dahil doon ay sinensyasan ko siyang sagutin na muna yon dahil mukhang importante.







Pagtapos noon ay dahan dahan akong tumayo at mabagal na lumayo sakanya ng sa gayon ay marinig ko pa rin ang sinasabi ng nasa kabilang linya.





Nang tuluyan niya ng masagot yon ay nakarinig ako ng sigaw ng mga bata sa kabilang linya kasabay noon ang humahangos na tinig ng caller.




"Boss nandito kami sa may baclaran. Kasama namin yung mga bata ang kaso lang ay ang lima sakanila ay nakuha ng militar. Nagkaroon doon ng raid boss, mabuti na lang ay natakasan namin agad."





Dahil doon ay bigla akong naalerto.







"Antayin niyo ako diyan."sambit ni Phanton tapos ay ibinaba na ang tawag



Habang ako naman ay nagkunwaring patungo sa mesa ko.







"Doc may emergency lang. Babalik na lang ako dito sa susunod na araw."sambit niya






Tumango na lang ako at bahagyang ngumiti.





Pagtapos noon ay tuluyan na siyang umalis kaya dali dali kong kinuha ang bag ko. Dali dali ko ring hinubad ang coat ko saka patakbong lumabas sa clinic.




Nang tuluyan na akong makalabas ay dali dali akong naglakad palabas para masundan si Phanton pero napahinto ako bigla ng tawagin ako ni Sayson.




"Magu-undertime ako, may importante lang akong pupuntahan. Sayson pakisabihan na lang si Dr. Guerrero salamat!"sambit ko






Pagtapos noon ay dali dali akong lumabas.




Nang tuluyan akong makalabas sa kampo ay nakita ko si Phanton na palabas na sakay ng sasakyan niya kaya nagtago muna ako sandali para hindi niya ako makita.




Nang tuluyan na siyang makaalis ay dali dali akong nagtawag ng taxi. Maswerte namang may huminto agad kaya agad akong pumasok doon.







"Manong pakisundan yung kotseng yon, yung BUH 6758 po."humahangos na sambit ko







Tumango na lang yung driver tsaka pinaharurot yung taxi. Akala ko nga nasa roller coaster na ako sa bilis eh.





Pero tama lang to para hindi mawala sa paningin namin ang sasakyan ni Phanton.







Sinundan lang namin siya ng sinundan hanggang sa makarating kami sa isang baclaran. Huminto siya sa isang building sa may baclaran na may tatlong palapag.





Croaker In Charge (DWS#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon