Chapter 36

13 1 0
                                    

CHAPTER 36





Drunk







Ngayon ay nandito kami sa bahay ni Thatty, nagpapakalasing. Dinadamayan kasi nila ako, mga loka lokang kaibigan ko to. Pero kahit ganon ay naibsan naman yung sakit na nararamdaman ko.






"Cheers to the wish you were here, but you're not 'cause a drinks bring back all the memories that we've been through."pakantang sambit ni Thatty pagtapos maitaas ng baso niya







"Toast to the ones here today. Toast the ones that we love turn away. Cause a drink brings back memories and a memories bring back you."pakantang sambit ko rin






"Ang panget ng mga boses niyooo!"lasing na sambit ni Tamiera bago lagukin yong wine na nasa baso niya




Dahil doon ay natawa na lang kami ni Thatty bago tuluyang lagukin rin ang mga inumin namin.







"Alam niyo bigla akong naawa sa bahay ni Tatina."nakapikit na sambit ni Tamiera






Lasing na ata ang isang to. Hindi ko maintindihan kung bakit mas nagpapakalasing siya kesa sakin eh ako tong brokenhearted ngayon. Loka loka talagang Tamiera to.








"Bakit naman kawawa ha."natatawang tanong ko






"Dito rin ako nagdrama dati diba? Pangalawa ka na sa nag-drama dito. Mapupuno na ang bahay na to ng mga lu-ha, h-hinanakit at sa-sama ng loob!"lasing na sambit niya







Dahil doon ay napahalakhak si Thatty. Noon kasing brokenhearted din siya ay ganitong ganito rin kami.



Dinadamayan si Tamiera at nagpapakalasing. Pero ngayon ay ako naman ang dinadamayan nila.







"Ayos lang yon ano ba naman kayo, kesa naman mag-bar pa tayo. Tsaka hindi naman gaanong mapupuno to ng mga luha, hinanakit at sama ng loob dahil kayo lang naman ang papayagan kong mag-drama dito."natatawang sambit ni Thatty





"The best ka talaga Tatina."lasing na sambit ni Tamiera saka kinindatan si Thatty







Pagtapos noon ay muli na niyang ipinikit ang mga mata niya habang nakasandal sa sofa. Nagkibit balikat na lang kami ni Thatty saka ipinagpatuloy ang pag-inom namin.







"Ano ng balak mo bukas hanggang sa mga susunod na araw?"tanong ni Thatty




"Mag-move on syempre...kasal na ngayon si Hajime kaya kailangan ko na rin nagpatuloy ng buhay ko. Mag-uumpisa ulit ako ng panibago."nakayukong sambit ko




"Edi maganda. Basta lagi mong tandaan na nandito lang kami ni Tamiera para tulungan at alalayan ka sa muli mong pagbangon."sambit ni Thatty






"Salamat Thatty, mga bff ko talaga kayo hahaha. Huwag ka mag-alala sisikapin kong makamove on agad. Tutulungan ko rin ang sarili ko."sambit ko tsaka bahagyang ngumiti







"Huwag mong pilitin kung hindi mo pa talaga kaya. Hindi naman madali ang pagmo-move on Agapita lalo na kung malalim talaga ang sugat na naiwan niya sa puso mo. Mas magandang unti untiin mo na lang."sambit ni Thatty







"Sabagay tama ka naman. Pero isa lang naman ang masisiguro ko, makakamove on at makakabangon ako Thatty."sambit ko tsaka pinilit na ngumiti







Croaker In Charge (DWS#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon