CHAPTER 18
Party all night
Ngayon na ang nakatakdang araw ng paghuli nila Hajime kay Phanton kaya abalang abala siya kasama ang buong team niya sa paghahanda.
Kaya eto ako nilapag ko na lang sa mesa niya yung lunch box ng niluto kong agahan para sakanya dahil gaya nga ng napag-usapan namin ay bayad ko to sa relo.
Panghuling araw na ng pagluluto ko sakanya ng agahan bukas.
Matatapos na din ang kalbaryo ko sa paggising ng maaga.
"Ma'am kayo pala, akala ko kung sinong maganda ang napadpad dito sa opisina ni sir."natatawang sambit ng kakapasok lang na si Larona
"Huwag ka naman maingay baka ma-notice nila yung kagandahan ko. Mahirap na baka pagkaguluhan pa ako dito."pabirong sambit ko
"Sige po sikreto na lang po yon. Siya nga po pala, may kailangan po ba kayo kay Major? Gusto niyo bang tawagin ko siya para sainyo?"tanong ni Larona
"Ah hindi na hinatid ko lang dito yung breakfast niya."
"Kayo pong bahala. Siya nga po pala, kayo pala ang pinagbigyan niyan ni Major?"sambit niya habang nginunguso yung relong suot ko na binigay ni Hajime
"Oo bakit, sabi niya pinilit mo daw siyang bilhin to eh wala naman daw siyang mapagbigyan kaya binigay niya sakin."natatawang sambit ko
"Ganon po ba? Ang sabi kasi saakin ni sir ma'am ay ibibigay niya yan sa nobya niya kaya akala ko ay nobya ka na niya."nagakakamot ulong sambit niya
"Nako hindi no!"tanggi ko
"Sige po ma'am maiwan ko na muna kayo. Dumaan lang ako dito para iwanan to sa table ni Major."sambit niya
Pagtapos noon ay nilapag niya naa ng folder na dala dala niya sa mesa ni Hajime. Nang mailagay niya yon ay muli siyang nagpaalam bago tuluyang lumabas.
Pero bigla naman akong napaisip sa sinabi niya.
Wala namang jowa si Hajime ah. Sinungaling yon, baka ibibigay niya talaga to sa nililigawan niya tapos siya ang nabusted kaya ibinigay niya na lang sakin para di sayang.
Oo tama baka sarili niya rin ang tinutukoy niya doon sa part na sinabi niya saaking nabusted si Larona. Kawawang Hajime HAHAHAHA.
Pagtapos noon ay hindi na rin ako nagtagal sa opisina ni Hajime mahirap na baka ma-issue pa ako dito babalik na ako sa clinic kung saan talaga ako nararapat.
࿔ ࿔ ࿔
Lumipas ang oras at ngayon ay tapos na ang oras ng trabaho ko kaya naghahanda na akong umalis.
Hinubad ko na rin ang coat ko at muling isinabit yon sa hanger.
Matapos kong maisabit yon ay kinuha ko na ang bag ko tsaka agad na dumeretso sa pinto. Nang akmang pipihitin ko na ang pintuan ay laking gulat ko ng biglang bumukas yon.
BINABASA MO ANG
Croaker In Charge (DWS#2)
ActionCaptain Agapita Benitez A.K.A Dra. Bleu. Nagtatrabaho siya bilang Medical Corps kung saan ang specialization niya ay Psychiatric. Naging mapayapa ang ilang taong serbisyo niya. Pero ang kapayapaan na yon ay natuldukan ng mahulog siya sa taong hindi...