CHAPTER 41
He loves me
Dalawang linggo na rin ang nakalipas mula noong Valentine's day. Napakasaya ko noong araw na yon. Magmula noon ay narealize kong tama talaga ang ginawa kong desisyon.
Pero syempre hindi ko maiwasang malungkot sa tuwing naiisip ko na darating din ang panahon na mawawala ulit saakin si Hajime.
At sa pag dumating na ang araw ng pag-alis ni Hajime sa piling ko ay sa pagkakataong yon hindi na lang siya ang mawawalay saakin...pati na rin ang magiging anak namin.
Yon ang magiging kabayaran ng lahat ng panandaliang saya na to.
Bigla naman akong bumalik sa wisyo ng may marinig akong kumatok sa may pintuan.
Nasa clinic kasi ako ngayon at kasalukuyan akong may binabasang article sa computer.
"Come in."sigaw ko
Pagtapos noon ay tuluyan ng bumukas ang pinto at laking gulat ko ng makita doon si Elloso. Yung taga-infantry na nagmula sa team ni Montillano.
"Yes? Anong maitutulong ko sayo?"tanong ko
"Sinabihan po ako ni sir Montillano na paalalahanan kayo tungkol doon sa binyag ng anak niya. Magtatampo daw po siya kapag hindi kayo nakapunta mamaya. Alam niya naman daw po kasing hindi kayo makakapunta sa simbahan ngayon kaya inaasahan niya na lang ang pagdalo niyo mamaya ma'am."sambit ni Elloso
Bigla naman nanlaki ang mga mata ko dahil doon. Shit muntik ko na malimutan ah, ngayon nga pala ang binyag ng anak ni Montillano.
Noong nakaraan kasi matapos niya akong tanungin tungkol doon sa pagdukot sakin ni Phanton ay kinuha niya akong ninang ng baby girl niya. Pati nga si Hollero ninang din eh.
Ang gaga ko talaga muntik ko ng malimutan ah. Katapusan nga pala ang binyagan.
"Sabihin mo wag kamo siyang mag-alala, makakapunta ako mamaya. Tapos singitan mo din ng ganito 'Hindi daw po pwedeng mawala doon ang cutest kumare niyo sir.' Sabihin mo sabi ko ha."natatawang sambit ko
Dahil doon ay nakita kong bahagya siyang natawa.
"Sige po ma'am sasabihin ko na lang po yan kay sir. Mauna na po ako, sasabihan ko din po kasi si Hollero."sambit niya
Pagtapos noon ay tumango na lang ako. Nang tuluyan na siyang makalabas ay inisip ko na kung anong regalo ang bibilhin ko para sa inaanak ko.
Bibili na lang ako ng regalo mamaya pag-out ko bago pumunta doon hehe. Nakaka-excite naman to, magiging ninang na ulit ako!
Dahil doon ay ti-next ko si Hajime na hindi muna ako makakauwi agad mamaya kasi pupunta pa ako sa binyagan.
Hindi naman ako sumabasabay sa kotse niya dahil nagdadala rin ako ng kotse kasi ayokong ma-issue kaming dalawa. Syempre hindi naman mababago ang katotohanan na kasal nga siya kay Zaia.
Kaya ko lang siya ite-text ay para hindi siya mag-alala saakin.
Maya maya pa ay nag-reply rin agad siya. Nang mabasa ko yon ay agad akong napangiti.
BINABASA MO ANG
Croaker In Charge (DWS#2)
AçãoCaptain Agapita Benitez A.K.A Dra. Bleu. Nagtatrabaho siya bilang Medical Corps kung saan ang specialization niya ay Psychiatric. Naging mapayapa ang ilang taong serbisyo niya. Pero ang kapayapaan na yon ay natuldukan ng mahulog siya sa taong hindi...