Epilogue

54 2 1
                                    

EPILOGUE








Ngayon ay kararating ko lang sa hospital. Gaya ng dati ay nag-time in muna ako bago tuluyang dumeretso sa clinic.





Pagkarating ko sa may tapat ng pinto ay papasok na sana ako ng biglang mapadaan si Stef.







"Agapita may parating ka daw na pasyente sabi ni Sayson."sambit niya habang abalang nakatingin sa folder na hawak niya





"Good morning ma'am ha."sarcastic na sambit ko










Pagtapos noon ay tuluyan na akong pumasok sa clinic. Gaya ng dati ay nilapag ko na ang bag ko at sinuot ko na ang coat ko.






Matapos noong gabing makita ko ang anak ko ay gaya ng pinangako ko kay Tamiera bumalik ako sa hospital para tuluyang magpagaling. Pagtapos noon ay pinilit kong magsimula muli.







Umuwi muna ako sa bahay namin sa Teresa tsaka tuluyang nagbalik sa trabaho.







Mabuti nga at hindi pa ako natanggal eh. Nagbigay naman kasi ako ng medical certificate ko. Atsaka naging witness ko rin sila Tamiera at Thattiana para patunayang naaksidente nga ako kaya hindi ako nakapagtrabaho ng ilang buwan.








Ngayon ay unti unti ng bumabalik sa normal ang buhay ko. Pero syempre minsan ay hindi ko pa rin maiwasang malungkot. Lalo na sa tuwing naiisip ko ang anak ko.






Wala na din dito si Hajime, nagpadestino na siya sa bulacan. Maganda na rin siguro to para saamin.







Makakatulong to para tuluyan na akong makamove on. Hindi naman na ako nag-aalala sa anak ko dahil tiwala ako na hindi siya pababayaan ni Hajime. At nandon rin si Tamiera.





Bigla naman akong bumalik sa katinuan ko ng may biglang kumatok sa pinto.









"Come in!"sigaw ko







Pagtapos noon ay tuluyan ng nagbukas ang pinto at tumambad saakin ang pasyente kong si Mr. Antrata.








"Ako nanaman ba ang buena mano mo doc?"natatawang tanong niya




"Ganon na nga. Have a seat first, kukunin ko lang ang patient records mo."natatawang sambit ko





Pagtapos noon ay kinalkal ko na ang patient records niya. Nang tuluyan ko ng makuha yon ay agad na akong nagtungo sa direksyon niya.








"Congratulations Mr. Antrata, you made it. From now on ay hindi mo na kakailanganin magpunta dito."sambit ko ng matignan ang records niya






"Kaya nga Doc sa wakas ay magaling na din ako, ang kaso lang ay hindi na kita makikita."pabirong sambit niya







Dahil doon ay natawa na lang ako.








࿔ ࿔ ࿔







Lumipas ang oras at ngayon ay libre na ang oras ko kaya naisip kong ito na ang magandang pagkakataon para madalaw ko si Phanton. Nakapagsabi na rin naman ako kay Dr. Guerrero eh.







Nagpaalam ako sakanya na lalabas ako ngayon kahit isang oras lang. Pumayag naman siya. Kaya eto ako ngayon papunta sa lugar kung saan nakalibing si Phanton.






Croaker In Charge (DWS#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon