Chapter 21

20 2 0
                                    

CHAPTER 21





Savior









Ngayon ay kasalukuyan akong nasa clinic ko kasama si Stef. Nang magamot kanina ang mga sugat ko sa braso ay nagpumilit akong dito na lang muna sa clinic.





Gusto sana nila akong pahilatain doon na parang paralisadong pasyente eh pero tumanggi ako. Sugat lang naman to sa braso kaya hindi ko na kailangang humiga doon.






"Nakailang ikot ako noong gabing yon sa bar para hanapin ka ang kaso lang hindi talaga kita nakita. Sorry palagay ko tuloy ay kasalanan ko kung bakit ka nadukot."malungkot na sabi ni Stef







Dahil doon ay bahagya akong natawa.







"Bakit mo naman naisip na kasalanan mo yon aber, ikaw ba nagpadukot saakin?"natatawang tanong ko






"Hindi pero kasi kung hindi kita niyaya noon mag-bar ay hindi ka sana madudukot. Hindi rin sana manganganib yong buhay mo."sambit niya







"Nakokonsensya ka ba?"nagpipigil tawang tanong ko






"Malamang. Tsaka bakit ka ba tumatawa diyan, seryoso ako dito no. Pagtapos kaya noon ay agad kong tinawagan si Major sinabi ko sakanyang nawawala ka."pagpapatuloy ni Stef







"Tapos anong ginawa niya nong pagkatawag mo sakanya?"usisa ko









Nang akmang sasagot na si Stef ay bigla kaming napatingin sa pintuan dahil sa biglaang pagbukas noon. Doon tumambad saamin si Hajime na may dala dalang supot.








"Hinanap ko ang location mo."







Pagtapos noon ay tuluyan na siyang nagtungo sa kinaroroonan ko. Nang makalapit siya saakin ay agad niyang iniabot ang isang supot na dala dala niya pero hindi ko kinuha yon. Bagkus ay taas kilay ko lang siyang tinignan.







"Tsinelas yan, nakapaa ka lang kanina diba."sambit niya





Oo nga pala ngayon ko lang naalala na naka-paa nga lang pala ako. Kanina kasi ng makababa kami sa kotse ay binuhat niya ulit ako papasok. Dahil doona ay hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na makapaglakad kaya nawala sa isip ko.






Nung matapos naman gamutin ang mga sugat ko sa braso ay dali dali ko silang tinakasan kanina dahil sa pagpupumilit nilang mahiga ako doon kaya hindi ko na napansin ang paa ko.





Mukha siguro akong pulubi kanina o di naman kaya ay pasyenteng nababaliw wew.







"Salamat."simpleng sambit ko tsaka kinuha yong paperbag






Pero ilang sandali lang ay bigla kong naalala kanina yung sinabi niyang hinanap niya ang location ko. Oo nga pala hindi ko pa siya natatanong kung paano sila nakarating doon at kung kamusta na ang mga batang pinatakas ko.








"Siya nga pala sa paanong paraan niyo naman natunton ang kinaroroonan ko?"tanong ko






"May tracker device akong nilagay sa relong binigay ko sayo. Inaasahan ko ng mangyayari ang ganitong bagay dahil halata namang patay na patay sayo ang pasyente mong yon."sambit ni Hajime








Dahil doon ay agad na napakunot ang noo ko.










"Edi ibig sabihin mino-monitor mo na ako noon pang mga nakalipas na araw. Siraulo ka talaga bakit ganyan ka. Nung una naglagay ka ng camera dito tapos ngayon yung relo naman. Nagsinungaling ka pa sabi mo wala ka lang mapagbigyan ng relo pero ang totoo plinano mo talaga yon."inis na sambit ko







Croaker In Charge (DWS#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon