Chapter 16

23 2 0
                                    

CHAPTER 16







Report







Ngayon ay kasalukuyan akong nasa meeting hall. Katabi ko ngayon si Hollero habang katapat naman namin si Castañeda at Hajime. Habang si General naman ay nasa gitna.








Pinatawag kaming lahat dito kaninang tanghali dahil magkakaroon daw muli ng meeting tungkol dito.








"Kahapon ko sana gustong magsagawa ng meeting ang kaso lang ay napag-alaman kong nag-undertime kahapon si Benitez at si Aguillon naman ay may pinuntahan."panimula ni General








"Sir nag-undertime po ako kahapon dahil sinundan ko si Phanton. May tumawag kasi sakanya habang nasa clinic siya at narinig ko mula sa kabilang linya na dinala daw sa baclaran ang mga batang naitakas mula sa raid kahapon ng umaga sa guadalupe."sambit ko







"Ikaw lang mag-isa? Dapat nagtawag ka ng sasama sayo, masyadong mapanganib. Sa susunod ay siguraduhin mong magpapasama ka na. Pero ano naman ang nalaman mo sa pagsunod mong yon sakanya?"tanong ni General







Lumunok muna ako ng laway bago tuluyang sagutin si General.











"Sa pagsunod ko pong yon sakanya ay nakarating ako sa isang building sa may baclaran na may tatlong palapag. Nakita ko siyang pumasok doon kaya sinundan ko siya patungo sa loob."sambit ko








"At?"tanong ni General









Dahil doon ay inilabas ko na ang cellphone ko tsaka iniabot yon kay General. Matapos niyang mapanood yon ay ipinasa niya na ang cellphone ko kay Castañeda hanggang sa makarating yon kay Hajime.







"Siya nga ang tao sa likod ng maskarang yon."tumatangong sambit ni General






"Bukod pa po doon sir ay napansin niyo rin siguro sa video na galing siya sa pintuan kung saan employee lang ang pwede maglabas masok hindi ba? Sa palagay ko po ay lagusan yon patungo sa kung saan man nakatago ang mga bata sir."sambit ko









"Maari nga, good job Benitez. Castañeda at Hollero gusto kong imbistigahan niyo ang building na yon."sambit ni General







"Sir yes sir."sambit nilang dalawa







"Ano na ang balita sa mga imbistigasyon niyo tungkol kay Alcasarin?"tanong ni General







"Nakailang pasikot sikot rin kami sir pero sa huli ay nakumpirma na namin na ang kompanya ni Phanton ang nagma-manufacture ng mga sigarilyong yon. Nagdaan rin kami sa butas ng karayom bago tuluyang makumpirma yon sir."sambit ni Castañeda







"Gaya nga po noong sabi nong nakaraan ay hindi pa lumalabas sa market ang brand na to. Base rin sa mga records na nakalap namin ay ginagawa ang mga produktong ito ng pailalim."sambit ni Hollero





"Walang business records, walang kahit anong permit sa madaling salita ay illegal talaga ang operasyon. Nalaman rin naming sa malabon ang naturang factory kung saan mina-manufacture ang mga sigarilyo sir."sambit ni Castañeda








"Ang malaking bahay na yon sa malabon na ginawang factory ng produkto ay nakapangalan kay Uno sir."sambit ni Hollero






"Natuklasan na rin namin na iisa nga lang ay may-ari ng apat na bar na nagbebenta ng naturang produkto sir. At yon ay walang iba kung hindi si Phanton. Nalaman rin namin na nakakapag-supply din siya ng patago  sa ilang mga karatig lugar gaya ng Rizal, Laguna at Cavite."sambit ni Hollero






Croaker In Charge (DWS#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon