CHAPTER 50
Sneaking
Saktong kalalabas lang din ni Tamiera sa banyo kaya agad ko siyang nilapitan at hinawakan ng mahigpit sa braso.
"Bff naalala ko na...naalala ko na lahat. Si Hajime, ang anak ko. Naalala ko na bff!"sambit ko habang inaalog alog yung braso niya
"Sigurado ka ba?"tanong niya
"Oo bff. Naalala ko na lahat. Gusto kong makita yung anak ko bff!"sambit ko
Dahil doon ay nanlaki ang mga mata niya.
"Ano ka ba hindi ka pa pwedeng lumabas sa ospital! Baka may mangyari lang sayong masama, hindi ka pa tuluyang gumagaling. Tatawagin ko na muna si Doc para ipaalam na naalala-"hindi ko na siya pinatapos na magsalita
"Bff! Gusto kong makita ang anak ko!"sigaw ko tsaka mas lalong diniinan ang pagkakahawak sa braso niya
Sakto namang tapos na ata si Thattiana na makipag-usap sa nurse kaya ngayon ay gulat na pinagmasdan niya kami ni Tamiera.
"Anong nangyayari sainyo?"naguguluhang tanong niya
Dahil doon ay binitawan ko na si Tamiera at siya naman ang hinawaka ko sa braso.
"Thatty naalala ko na lahat. Gusto kong makita ang anak ko."sambit ko
"Ha? Hindi ka pa pwedeng ma-discharge dito ano ka ba naman. Kakabalik lang lahat ng memorya mo. Teka kumalma ka muna ha? Tatawagin ko lang si Doc."sambit niya tsaka marahang inalis yong mga kamay ko mula sa pagkakahawak sa braso niya
Dahil doon ay nagwala ako.
"Hindi ko kailangan ng doctor na yan! Ang kailangan ko ang anak ko! Ang gusto kong makita ay ang anak ko kaya dalhin niyo siya dito!"sigaw ko
"Agapita kumalma ka."marahang sambit ni Thatty
"Hindi! Hindi ako kakalma hangga't di niyo dinadala ang anak ko sakin."sigaw ko
"Agapita pwede ba kumalma ka muna? Paano ka makikipagkita sa anak mo kung ganito-"hindi ko na hinayaang matapos ni Tamiera ang sasabihin niyang yon
"Ang sabihin niyo ay ayaw niyo lang talaga siyang dalhin sakin. Sige! Tutal ayaw niyong dalhin sakin ay anak ko ay pupuntahan ko siya. Wa niyo a kong pipigilan!"determinadong sambit ko
Pagtapos noon ay akmang lalabas na ako sa kwarto ko ng bigla akong higitin ng napakalakas pabalik ni Thatty.
"Ano ka ba naman! Mag-isip ka nga ng tama!"sigaw ni Thattiana
Dahil doon ay bigla akong natauhan kaya hindi ako nakaimik.
Matapos noon ay napuno ng katahimikan sa kwarto ko. Pero maya maya lang ay narinig kong bumuntong ng malalim na hininga si Tamiera bago tuluyang magsalita.
"Gusto mo bang makita ang anak mo?"tanong niya
Dahil doon ay bigla kong iniangat ang ulo ko tsaka naluluhang tumango.
BINABASA MO ANG
Croaker In Charge (DWS#2)
AksiCaptain Agapita Benitez A.K.A Dra. Bleu. Nagtatrabaho siya bilang Medical Corps kung saan ang specialization niya ay Psychiatric. Naging mapayapa ang ilang taong serbisyo niya. Pero ang kapayapaan na yon ay natuldukan ng mahulog siya sa taong hindi...