CHAPTER 45
Companions
Isang linggo na din ang nakakalipas magmula noong mawala saakin ang mag-ama ko. Sa loob ng isang linggong yon ay puro pagmumukmok lang ang ginagawa ko.
Nandito lang ako sa apartment ko, parating tulala. Pero joke lang, walang nangyaring ganon nandito kasi sila Tamiera.
Magmula nung umuwi ako galing sa hospital ay nag-decide silang lumipat muna dito.
Mga desisyones nga eh, hindi pa nga ako pumapayag nagulat na lang ako pagkakita ko sakanila dala dala na yung mga gamit nila.
Kaya wala na din akong nagawa. Hinayaan ko na lang sila dahil nakikita ko namang ginagawa nila lahat ng paraan para lang hindi ako lamunin ng lungkot.
Pero kahit ganon ay ramdam ko pa din talaga sa puso ko yung sakit at hinagpis...lalo pa sa tuwing maaalala ko yung anak ko.
Minsan nga naiisip ko kung pinadede na ba siya, pinalitan na ba siya ng diaper, maayos ba yung tulog niya mga ganon.
At syempre mas lalo pang nadudurog yung puso ko sa tuwing maiisip ko na ako dapat yung nasa tabi niya. Ako dapat yung nandoon kasi ako yung mama niya pero wala eh. Such is life.
"Hoy tulaler ka nanaman diyan eto oh may niluto akong pancake para sa meryenda natin."sambit ni Tamiera
"Aba marunong ka na magluto ngayon ah."pabirong sambit ko
"Ako ang nagluto niyan no, si Tamiera lang naglagay sa plato. Ano bang aasahan mo diyan kay Tamiera."umiiling iling na sambit ni Thatty
Dahil doon ay bahagya akong natawa. Sa mga pagkakataong ganto sila ay panandalian kong nalilimutan ang mag-ama ko kaya laking pasalamat ko na lang na nandito sila.
"Pasmado yang bunganga mo Tatina ah."inis na sambit ni Tamiera
"Bakit ako naman talaga yung nagluto noon ha."giit ni Thatty
"Tumulong kaya ako sa pagtimpla non."sagot ni Tamiera
Pagtapos noon ay nilapag niya na yung tray na dala niya sa mesa tsaka nakapamewang na hinarap si Thatty.
Sasagot na sana muli si Thatty ng bigla akong magsalita.
"Tumigil na nga kayo, para kayong mga bata."sambit ko tsaka kinamay yong pancake para matikman ko
"Wow, nagsalita yung mas bata saakin."sabay nilang sambit
Dahil doon ay bigla akong natigilan sa pagnguya pero maya maya lang ay sabay sabay na kaming humagalpak.
"Tara na nga kumain na lang tayo."sambit ni Thatty tsaka naka-indian seat na tumabi saakin
Ganon din ang ginawa ni Tamiera. Kaya salo salo na kaming kumakain ngayon. Kinakamay nga lang namin eh HAHAHAHAHA.
"Wala ba kayong trabaho ha? Baka naman matanggal na kayo sa trabaho isang linggo na kayong di napasok."biglang singit ko habang nakain kami
"Ano ka ba, naka-leave kami no. Hangga't di ka pa nabalik sa trabaho di pa din kami babalik sa trabaho."nakangiting sambit ni Thatty
"Oo nga aalagaan ka muna namin dahil hindi ka pa rin naman pwede masyadong maggagagalaw dahil baka mabinat ka. Isang linggo pa lang ang nakalipas magmula noong manganak ka no."sambit ni Tamiera
"Baka kasi nakakaabala na ako sainyo. Pwede namang magtrabaho na lang muna kayo tapos ako naman uuwi na lang ako kila papa."sambit ko
Nahihiya na rin kasi ako eh. Kahit hindi ako mahiyaing tao eh nahihiya rin ako paminsan minsan.
"Gaga hindi no."sambit ni Tamiera
"Pero sige next week ihahatid ka namin sa bahay ng mga magulang mo. Makakatulong din sayo kung makakasama mo sila eh."sambit ni Thatty saka bahagyang ngumiti
"Oo tama, next week para siguradong medyo kaya na ng katawan mo. Atsaka ano ka ba dati din naman ay nag-stay kayo ni Tatina noong kailangan ko kayo. Ngayong ikaw naman ang nangangailangan saamin syempre sasamahan ka namin."sambit ni Tamiera tsaka bahagyang ngumiti
Dahil doon ay napangiti na lang ako. Napakaswerte ko sakanila.
"Si Tatina kaya kelan kayo to paglalaruan ni kupido."pang-asar na sambit ni Tamiera
"Oo nga, saatin siya ang pinakamatanda pero siya ang single pa din hanggang ngayon."pakikisakay ko
"Tigilan niyo nga akong dalawa."sambit niya saka kami inirapan
Dahil doon ay nagkibit balikat na lang kami ni Tamiera saka nagpatuloy sa pagkain.
࿔ ࿔ ࿔
Ngayon ay ala una na ng madaling araw pero hindi pa rin ako makatulog. Kada kasi pipikit ako ay bigla ko nanamang naiisip si Hajime at ang anak ko.
Nitong nagdaang isang linggo ay hirap talaga akong matulog. Dahil doon napagdesisyunan kong bumangon na muna para uminom ng gatas.
Tulog na tulog na yung dalawa eh.
Kamusta na kaya si Hajime at ang anak ko...dumede kaya yung anak ko kagabi? Napalitan kaya ng diaper? Si Hajime kaya. Nakakatulog kaya ng maayos yon?
Napakasakit para saakin na hanggang tanong na lang talaga ako sa sarili ko ng tungkol sa mga bagay na yan. Bawal ko silang makita...
Pero habang nagtitimpla ako ng gatas ay may biglang pumasok sa isipan ko. Tama puntahan ko kaya sila doon sa bulacan? Hindi naman ako magpapakita.
Sisilipin ko lang talaga sila, tapos kapag nakitang okay naman sila ay aalis na agad ako.
Tama, ganon na lang ang gagawin ko tutal hindi naman ako makatulog. Mamamatay lang ako dito kakaisip.
Dahil doon ay dali dali akong nagbihis ng pantalon at itim na t-shirt. Nangdala rin ako ng itim na jacket at cap. Pero dahan dahan lang akong kumilos.
Kapag kasi nagising sila Thatty at Tamiera a y paniguradong di papayag yon kaya pipigilan nila ako.
Nang tuluyan na akong makapagbihis ay dali dali akong lumabas mula sa apartment ko.
Pero kagaya kanina ay dinadahan dahan ko lahat ng kilos ko. Ayokong lumikha ng ingay na makakagising sakanila.
Nang matagumpay akong makalabas sa apartment ko ay agad akong nagtungo sa kotse ko.
Nang masiguro ko na okay na lahat ay pinaharurot ko na ang sasakyan ko patungo sa bulacan. Bahala na, gusto kong sumugal ulit para lang sa mag-ama ko.
BINABASA MO ANG
Croaker In Charge (DWS#2)
حركة (أكشن)Captain Agapita Benitez A.K.A Dra. Bleu. Nagtatrabaho siya bilang Medical Corps kung saan ang specialization niya ay Psychiatric. Naging mapayapa ang ilang taong serbisyo niya. Pero ang kapayapaan na yon ay natuldukan ng mahulog siya sa taong hindi...