Barbsgalicia's Author Interview

5.3K 144 18
                                    


The Wattpad Filipino Block Party 2020

#TWFBP2020   #TWFBPYore


1. Anu-ano ang mga pinaka-surprising na mga bagay na natutunan ninyo sa paggawa ng mga kwento?

- Yung fact na kaya ko palang magsulat ng nobela at bumuo ng mga characters na mamahalin ng mga readers. When I was a kid, mahilig na talaga akong mag-imagine at mag-daydream, pero hindi ko inaasahan na balang araw ay maisusulat ko ang mga nabubuo kong kwento sa utak ko.

2. What do you prefer to write: Series or Standalone stories? Why?

- This depends on my mood and my time. Kung may oras akong gumawa ng series at pakiramdam ko ay kayang palawakin ang plot o pahabain ang mga eksena ng nobelang naiisip ko, magsi-series ako.

3. Ano ang weird writing habit ninyo?

- I don't have any weird writing habit. Basta kailangan lang na nakapag-kape ako bago magsulat o habang nagsusulat. Kailangan din nakikinig ako ng music, lalo na kapag nag-eedit na.

4. Among your stories, what particular scene is difficult for you to write?

- Mga fight scenes ni Baron Medel sa TLAD Series. Ang hirap mag-narrate at mag-describe ng fight scenes/pain lalo na kapag male POV ang gamit.

5. Saan kayo mas nacha-challenge, sa pagbuo ng first chapter o sa epilogue?

- Sa pagbuo ng first chapter. Minsan, mahirap magisip ng atake na gagawin para makuha agad ang atensyon ng reader. First chapter ang pinaka-importante. Kumbaga, dito nakasalalay kung may magbabasa ng nobela mo.

6. If you can bring one of your characters to life, who will it be and why?

- Arkhe Alvarez of Everything I Want/Everything I Need. The best kasi siyang maging kaibigan. Yung tipong, malalapitan mo siya agad kasi chill-chill lang siya at hindi suplado.

7. Among your characters, who's the closest to you? Why?

- Desa Franco of TLAD Series. Medyo hawig kami ng personality at very fragile siya kaya gusto ko siyang ina-alagaan.

8. If you could collaborate with any author (local or international), who would it be and why?

- I'd be happy to collaborate with my fellow Pop Fiction authors mercy_jhigz and asherinakenza. I love these two, at alam kong magiging magaan silang katrabaho.

9. Anong famous story ang hinihiling mong ikaw ang nakapagsulat? Bakit?

- Wuthering Heights. Ang sarap kasi siguro sa pakiramdam yung ginagamit for educational purposes yung nobelang sinulat ko.

10. What are your future plans in your writing career?

- Gusto kong makatapos at makapag-publish ng mas marami pang libro. At kung papalarin, makapag-full time na sa pagiging author.





MESSAGE FOR YOUR READERS:

Hello, loves! Thank you so much for always supporting me. Natutuwa ako na karamihan sa inyo ay readers ko pa noong A Wife's Cry days. Salamat dahil hindi niyo ako iniiwan at mas nadadagdagan pa kayo. I promise to write more stories for you. Mabagal man akong mag-update, pero sisiguraduhin kong worth it ang bawat kwentong matatapos ko

The Wattpad Filipino Block Party 2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon