HULING HATOL
Codename: Soysauce
#TWFBP2020 #TWFBYore
THREE YEARS AGO, palihim na nakipagkita si Angelie kay Jeremy at inabot ang mga copperplates dito. There were three copperplates to be exact. Dinahilan ni Angelie na basag ang copperplate sa pinakaibabaw dahil siguro mas ininda nito ang pressure mula sa ibabaw ng lupang binaunan ng mga ito.
And the rest had been history.
Napatuwid si Angelie mula sa kinauupuan nang matanaw ang pagpasok ni Jeremy sa restaurant. Mataman nitong tinitigan ang lalaki. Mukhang nakaramdam ito kaya napagawi sa archeologist ang tingin ng linguist.
Habang palapit sa pwesto niya si Jeremy, napuna ni Angelie na simple lang ito sa suot na jeans at pink na striped polo shirt. Nakahawi sa bandang kanan ng mukha nito ang bleached na buhok. Malinaw na malinaw na makikita sa likod ng suot nitong eyeglasses ang brown nitong mga mata. His lips were pinkish— no touch of any cosmetic, but obviously taken care of a specific beauty regimen. Walang-wala kay Jeremy ang maglakad nang may pagkendeng in public. Angelie didn't mind it too. Simula college naman, kahit closeta pa noon si Jeremy, halata na ni Angelie na bakla ito.
Jeremy took the couch seat across the table. Nilapag nito ang side bag sa kandungan at may nilabas na folder mula roon.
"Ang copperplates?" Angelie could not hide her anxiety. Baka hindi dala ni Jeremy ang mga iyon.
Pinasilip ni Jeremy kay Angelie ang bag. "It's here, darling. But I don't think safe itong ilabas sa public place, right? Kunin mo na lang mamaya sa akin kapag hinatid na kita sa car mo."
Jeremy had a point. The copperplates had a light shade that someone looking from faraway might mistake it for gold.
"Sige, diyan muna," maingat nitong wika bago dinampot ang folder na nilapag ni Jeremy sa mesa. "This is..."
"The translations," diretso ang tingin nito, seryoso. Binuklat ni Angelie ang folder nang matigilan sa mga sumunod na sinabi ni Jeremy. "Just a reminder, hindi word-by-word ang translation ko d'yan. Obviously, it took me years, para lang makuha 'yung pinaka-context ng mga nakasulat. And to make it easy for you, I used some modern day terminologies para ma-gets mo ang ibig sabihin ng mga 'yan. I also wrote it in a style that will give the same effect when read natively—"
Tinanguan niya ito.
Hindi napigilan ni Jeremy ang sarili.
"Girl, you have no appreciation at all!" he blurted in frustration. "I just said it took me years! And all the adjustments I made... and you're just nodding at me?"
"What? Yes, it took me months to find these copperplates! Pero ako mismo ang nagsinsil ng mga bato-bato at naghukay sa lupa para lang makita ang mga 'yan!"
Jeremy rolled his eyes. "At hindi lang ako umupo habang tinatrabaho 'tong copperplates mo! I even had to visit Visayas and personally visit some linguists I've met in Facebook groups para tulungan ako sa pag-translate!"
Namilog ang mga mata ni Angelie. "So, it means, nakita nila 'yung mga copperplates?"
"Ano ako, tanga? Of course, not! I copied the symbols on paper. Iyon ang pinakita ko sa kanila."
Nakahinga si Angelie ng maluwag sa narinig. Binalik ng dalaga ang tingin sa hawak na folder. Nakabuklat na ito kaya bumungad ang print-out kung saan nakasaad ang translations.
BINABASA MO ANG
The Wattpad Filipino Block Party 2020
RandomHello, Wattpadders! Muli na namang nagbabalik ang pinakamasayang party rito sa Wattpad! Heto na ang The Wattpad Filipino Block Party 2020! Halina't samahan kaming makisaya kasama ng ating mga kapwa readers at mga paboritong writers. #TWFBP2020 #TWFB...