Stoutnovelist's Short Story

1.9K 13 3
                                    


The Black Hole
by Sario Julian (stoutnovelist)

Codename: Esjeeey

#TWFBP2020 #TWFBPYore


"I SEE THEM coming this way, fellas! Hindi ko na kaya!" Hingal na hingal si Margie habang nakatingin sa kanilang likuran. Ngunit kadiliman lamang ang kaniyang nakikita sa dulo ng mahabang kalsadang iyon na tinatakbuhan nila.

Sa pagkakaalam niya'y umuwi siya ng probinsya para bumisita at dalawin ang mga naiwang kamag-anak. Kasama ang ilan sa mga kaibigan at katrabaho rin niyang nakilala sa Maynila na taga-Aklan din. Sina Dominic Gomez, Belle Marciales, Ybone Natividad, at Christoft Jimenez.

Dalawang araw na silang namamalagi sa probinsya at kaninang umaga ay napagdesisyunan nilang magkita-kita para sabay bumili ng kanilang mga Noche Buena para mamayang gabi. Pero hindi nila aakalain na sa pagsapit ng alasais ay biglang maglalahong parang bulà ang mga tao sa paligid. At ang maliwanag na buwan ay matatabunan ng isang napakadilim na ulap.

Idagdag pa ang napakalakas na bagsak ng ulan kung kaya't hindi na ni Margie makayanan ang lamig na nararamdaman— maging ng kanyang mga kasama. May mga kakaibang nilalang pa na humahabol sa kanila.

Nasa gitna sila ng isang kalsada habang pinapaligiran ng mga nagtataasang gusali sa munisipalidad ng Aklan. Kahit saan sila lumingon wala silang makitang tao. Sarado ang bawat bahay at kahit ni isa ay walang ilaw. Pinapalibutan ng itim na usok ang bawat kabahayan at maging ang mga bituin at buwan sa langit ay tinatakpan ang tanglaw niyon.

"Dito! Sumakay tayo rito sa sasakyan! Bilisan niyo!" sigaw niya nang makakita ng isang ford na kotseng nakaparada sa gilid ng kalsada. Agad na nagsilapit sa kanya ang mga kasama na tulad niya'y nanginginig na rin sa lamig at kinakabahan na ring tulad niya.

"What kind of creature are they? They are not human! Sila ba ang ang dahilan kung bakit nawala lahat ng mga tao sa lugar na ito? Sila ba ang dahilan kung bakit sobrang dilim at umuulan?" sunud-sunod na tanong ni Dominic na halatang nagpa-panic na dahil sa nangyayari.

Kinalmahan ni Margie ang sarili saka ini-start ang engine ng kotse at hindi na muna pinansin si Dominic.

"Where are we going now, Marg?" tanong sa kaniya ni Ybone na pilit pinapakalma ang sarili.

Kumibit-balikat siya saka mabilis pinaharurot ang kotse. Mabuti na lamang at kahit papaano ay may ilaw ang kotse kung kaya't makikita nila ang kanilang dinadaanan.

"Huwag niyong gamitin ang mga cellphones niyo. Tipirin niyo ang battery. Kailangan natin iyan mamaya para sa emergency at pang-ilaw. Pupunta tayong mall, baka sakaling may makuha tayong mga gamit doon na maari nating magamit at pagkain na rin."

Sa kalagitnaan ng pagmamaneho ay walang tigil sa pag-usal ng panalangin si Belle at Ybone sa likuran. Samantalang tahimik naman si Christoft sa tabi niya at maging si Dominic na katabi ng dalawang babae na nasa likuran din.

Huminga nang malalim si Margie. Hindi niya alam kung ano ang nangyayari pero iisa lang ang sigurado siya, hindi lang siya nanaginip sa mga oras na ito. Totoong nangyayari ang mga bagay na nasasaksihan niya ngayon. Totoong may humahabol sa kanilang kakaibang nilalang. Mga katawang tao, pero hindi asal tao. Nakulong sila sa isang lugar kung saan puno ng kadiliman at tanging ilaw lamang ng kotse ang nagsisilbi sa kanilang liwanag.

"They are not humans. They are monsters. At mukhang galing sila sa blackhole na iyong nadaanan natin noong dumating tayo rito. At noong dumating tayo rito, ang mga taong nakasalamuha natin ay hindi na tao kundi mga taong kumakain ng mga lamang-loob. Sigurado akong hindi sila zombie. Baka konektado ang mga nangyayaring ito sa blackhole na iyon."

The Wattpad Filipino Block Party 2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon