Ella Que Cometió El Error Inolvidable
(She Who Made the Unforgettable Mistake)
#TWFBP2020 #TWFBPYore
Codename: LoRA
MAYNILA, TAONG 1855
"Kumusta na po ang kanyang kalagayan?" Tanong ng lalaki sa isang manggagamot.
"Huwag ka nang mangamba, tenyente. Ligtas na sa kapahamakan ang inyong kasintahan. Nagtamo lamang siya ng mababaw na sugat sa kanyang leeg at nalapatan ko na rin iyon ng paunang-lunas. Nagdulot din nang malaking pangamba sa kanya ang naganap na gulo sa pamilihin at naging dahilan kung bakit hanggang ngayon ay wala pa rin siyang malay." Pag-imporma ng manggagamot sa lalaking tinawag na tenyente.
May isang matandang lalaki na mayroong dalang punyal ang nanggulo kanina sa pamilihan. Hinuli at ginawang bihag ng lalaki ang isang senyorita na kabababa lamang sa sinasakyang karwahe saka nito tinutukan ng patalim sa leeg. Ang marahas na tagpong iyon ay lumikha nang pangamba sa mga taong nakasaksi lalo na sa babaeng bihag na walang ibang bukambibig kundi humingi ng saklolo habang tumatangis. Hindi naman magawang barili ng ilan sa mga guwardiya sibil na naroroon ang lalaki sapagkat maaaring mapahamak ang babaeng bihag kung gagawa sila ng maling hakbang.
Umabot ang balitang iyon sa Cuartel Guardia Civil. Kaya kasama ang iba pang mga tauhang guwardiya sibil ay tinungo ng tenyente ang pamilihan upang pakiusapan ang matandang lalaki na pakawalan ang bihag. Nagmatigas ang lalaki sa pakiusap ng tenyente at hiniling nitong makausap ang gobernador-heneral upang sabihin ang kailangan nito. Pinagbigyan naman ng tenyente ang kahilingan ng lalaki. Inutusan ng tenyente ang dalawa sa mga kaibigan nitong guwardiya sibil na ipagbigay-alam sa gobernador-heneral ang nais ng lalaki.
Halos kalahating minuto rin ang hinintay ng mga tao sa pamilihan bago dumating ang karwahe ng gobernador-heneral. Pagkatapos niyon ay namagitan sa gulo ang gobernador-heneral at iyon naman ang pagkakataong dinulog ng lalaki ang kinakaharap na suliranin. Mayroon palang sakit ang anak ng lalaki at wala raw itong anumang salapi. Kaya naisip ng lalaki na kumuha ng bihag upang makahingi ng salapi sa gobernador-heneral at upang maipagamot ang may sakit anak. Inabot nang mahabang pakiusapan ang pakikipagnegosasyon ng gobernador-heneral at nangakong tutulungan nito sa pagpapagamot ang anak ng lalaki.
Iyon lamang ang pagkakataong unti-unting nang huminahon ang lalaki matapos tiyakin ng gobernador-heneral ang pangakong tulong. Kaya sa huli ay nagpasya ang lalaki na pakawalan ang bihag at isuko ang hawak na patalim sa gobernador-heneral. Inutusan naman ng gobernador-heneral ang tenyente na ihatid ang walang malay na senyorita sa pinamalapit na pagamutan. Ang Hospital de los Indios. Isang bahay-pagamutan para sa mga indio (alipin).
"Maraming salamat." Wika ng tenyente na tila nakahinga na rin nang maluwag matapos malamang nasa maayos nang kalagayan ang senyorita na ngayon ay wala pa ring malay at nakahiga sa isang manipis kutson na nababalutan ng puting tela. "Subalit hindi ko po kasintahan ang senyorita." Pagtatama ng tenyente sa naunang tinuran ng manggagamot.
"Paumanhin. Kung ganoon ay kaibigan mo pala ang senyorita."
"Hindi ko po siya kaano-ano."
"Kung ganoon, kinakailangang malaman ng mga magulang ng senyorita kung na saan ang kanilang anak sa mga sandaling ito at masundo na rin sa oras na siya ay magkamalay." Matapos sabihin iyon ay agad ding nagpaalam ang manggamot sa tenyente upang asikasuhin ang iba pa nitong mga pasyenteng nakahiga rin sa mga kutsong kahilera lamang kung saan nakahiga ang senyorita.
BINABASA MO ANG
The Wattpad Filipino Block Party 2020
RandomHello, Wattpadders! Muli na namang nagbabalik ang pinakamasayang party rito sa Wattpad! Heto na ang The Wattpad Filipino Block Party 2020! Halina't samahan kaming makisaya kasama ng ating mga kapwa readers at mga paboritong writers. #TWFBP2020 #TWFB...