The Wattpad Filipino Block Party 2020
#TWFBP2020 #TWFBPYore
1. Ano-ano ang mga pinaka-surprising na mga bagay na natutunan ninyo sa paggawa ng mga kwento?
—Na-surprise ako na kaya ko pa lang mag-grow. Na sa bawat araw na lumilipas ay natututunan ko kung paano maging mas epektibo. Sa umpisa kasi iisipin mo na magsulat lang ng gusto mo. No guidelines, no rules na dapat sundin. Pero habang tumatagal, nagkakaroon ka na ng pointers, nagkakaroon ka na ng style, nararamdaman mo na hindi ka lang basta frustrated writer kundi isa ka ng ganap na manunulat. I have so much more to learn at excited ako na mas matuto.
2. What do you prefer to write: Series or Standalone stories? Why?
—Standalone stories. Gusto kong gumawa ng Series pero mas nahahatak kasi ako na gumawa ng isang story pero may kahabaan. Hahaha! I don't know pero after ng Ms.Right, may isusulat ako na story na sa tingin ko ay aabot rin ng book 3. Sa sobrang dami kasi ng ideas, kailangan ko siyang ilabas lahat. At hindi ako makukuntento sa librong may .5" or 1" lang ang kapal. Hahaha!
3. Ano ang weird writing habit ninyo? (side comment: kailangan niyo rin bang uminom parang si Edgar Allan Poe bago magsulat?)
—Well, hindi naman siya weird dahil tingin ko marami ring mga writers na makaka-relate sa akin. Hahaha! Once kasi na may pumasok na idea sa akin, kahit ano pa ang ginagawa ko, stop muna ako then kinukuha ko agad 'yong cell phone ko or 'yong red notebook ko para i-note 'yong idea na naisip ko. Plot, names, title, scenes, etc. basta tingin ko ay magagamit ko sa pagsusulat, tigil muna ang mundo para lang i-note 'yon. Actually, everyday may dumadagdag sa notes ko. Automatic set aside muna ang mga chorva and take note of that small idea at gawing big for my future works.
4. Among your stories, what particular scene is difficult for you to write?
—I think 'yong mga scenes na may heavy emotions. Kailangan kasi nasa kundisyon ang utak ko kapag nagsusulat ng eksena na may mabigat na emosyon. I need to feel the weight of the scene, too. To be honest, ngumingiti or tinatawanan ko ang mga eksenang masaya na isinusulat ko, iniiyakan ko ang mga nakakaiyak na eksenang ibinahagi ko, naiinis rin ako sa mga linyahan ng mga kontrabidang gustong patayin ng mga readers ko sa bawat eksenang umeepal sila, Nagpi-feeling cool ako kapag may fight scenes na nagaganap... in short, kailangan kong maging ka-isa sa bawat eksena. Mas magiging effective ang isinusulat mo kung madadala mo ang emotion na kailangan. At kung papipiliin ako ng particular scene na nagpahirap sa akin, siguro 'yong nagkahiwalay sina Check at Bright sa story ko na Ms.Right. Doon kailangan kong dalhin ang mga paghihirap ni Check. Kaloka! Kung ilang beses siyang umiyak, gano'n karami ring beses tumulo ang sipon ko. Hahaha!
5. Saan kayo mas nacha-challenge sa pagbuo ng first chapter o sa epilogue?
—Para sa akin, parehas mahirap! Parehas madugo. Hahaha! But if I have to choose one, I think 'yong simula. Kailangan kasi na pag-ingatan ang unang bagsak. Kailangan mo siyang pag-isipan ng mabuti bago mo i-share sa readers. Kailangang maging exciting at tasty ang unang chapter mo para maiparating mo sa kanila na worth to read ang likha mo. 'Yong tipong hindi mo lang sila mapapasilip kundi mapapabasa mo talaga sa kanila ang mga next chapters dahil nagandahan sila sa unang atake mo.
6. If you can bring one of your characters to life, who will it be and why?
—Wew! For me, it was none other than Bright Villareal. And if tatanungin rin ang Redsters, sigurado akong sasang-ayon rin sila sa akin. Hahaha! I consider myself as an Army (BTS fan) and ang pinili kong portrayer bilang si Bright ay si V ng BTS. I guess malabo nang mangyari na ma-meet ko ang BTS dahil bukod sa napakamahal ng ticket e mukhang mas mahirap na silang ma-reach ngayon. Kaya, yep! Please! Pakibuhay si Bright. Hahaha!
7. Among your characters, who's the closest to you? Why?
—I will definitely choose, Check Libramonte. Siya kasi ang tinutukoy na Ms.Right sa story na minahal ng mga readers ko. "Pakrung" man siya according kay Bright, siya pa rin ang nagdala ng story na nagbigay sa akin ng chance para makilala bilang isang writer.
8. If you could collaborate with any author (local man or international), who would it be and why?
—Solid EUNOIA muna tayo sa ngayon. Ang Eunoia ay binubuo ng 10 writers including me (red_pages, CHISENPAI, alerayve, Yulie_Shiori, heartlessnostalgia, Iam_mirrage, IanneDyeyd, imsinaaa, Imcrazyyouknow and BadReminisce). Ang first book na nailabas na namin ay 'yong Paper Hearts which is a compilation of sad or heartbreaking stories. For sure hindi lang ito ang huli, may mga susunod pa. So, please follow us on wattpad, fb page and in our other social media accounts for some updates. Hahaha!
9. Anong famous story (be it classic or contemporary Literature) ang hinihiling mong ikaw ang nakapagsulat? Bakit?
—Hala! OMG! I'm sorry, wala akong maisagot. Tamad magbasa problems. Hahaha! Pwede bang mangarap na lang ako na may famous story ako tapos 'yong iba na lang ang humiling na sana sila ang nagsulat? Cheret! Haha!
10. What are your future plans in your writing career?
—I actually don't have plans. Basta para sa akin, sulat lang ng sulat hangga't kaya ko at hangga't may nagbabasa ng likha ko, I will surely continue writing. Gusto kong mahawakan as book ang mga pinaghirapan at paghihirapan ko. Gusto kong maihilera sila sa bookshelf ko at maipakita sa mga magiging anak at apo ko.
BONUS: Please leave a message for your readers.
—Hi there, Redsters! Para sa aking mga Hearts, thank you for the love and support. Thank you for letting me take you to my world. Thank you for loving my characters at gawin silang inspirasyon. I will forever be greateful na binigyan niyo ako ng chance para makilala bilang si red_pages. I promise to keep writing and dreaming para may maibahagi ako sa inyo. Salamat sa pagkapit, my Hearts! Lablablabyah!
BINABASA MO ANG
The Wattpad Filipino Block Party 2020
RandomHello, Wattpadders! Muli na namang nagbabalik ang pinakamasayang party rito sa Wattpad! Heto na ang The Wattpad Filipino Block Party 2020! Halina't samahan kaming makisaya kasama ng ating mga kapwa readers at mga paboritong writers. #TWFBP2020 #TWFB...