The Wattpad Filipino Block Party 2020
#TWFBP2020 #TWFBPYore
Red and Green Flags in Writing Romance
Romance Build-up
> Red Flag
Katulad ng real life na pag-iibigan, love requires more than just attraction. Kung paminsan, ang pinaka madalas na pagkakamali na nagagawa ng ating mga manunulat ay ang kakulangan ng angkop at sapat na build-up para magkaroon ng kapani-paniwala at epektibo na love story ang mga couples na ating isinusulat. Iwasan na mula sa simpleng encounter o physical attraction ay tatalon na agad sa isang malalim na pag-iibigan ang dalawa o higit pa na mga karaker.
Huwag dapat ikulong ng manunulat ang kanyang karakter sa buhay ng kanyang iniibig lamang. Maliban sa mga kaibigan at pamilya ng male at female leads, kailangang din ng mga ito ng iba't ibang uri ng relasyon sa iba't ibang tao na hindi magdudulot ng cliche at toxic na possessive scene or away dahil sa paseselos. Ang mga karakter mo ay kailangang matuto at lumago kasama ang iba't ibang tao at hindi lang sa kanyang partner.
Do not use keywords to hint readers on the upcoming events of your story. Palagi mong tatandaan na nagkwe-kwento ka sa mga tao at hindi sa mga detectives para imbestigahan ang bawat salita at galaw ng iyong karakter. Huwag sadyaing magsulat ng eksenang magbibigay ng malabo at hindi maayos na meaning para sa mga readers. Be clear and concise in writing your story.
Huwag maglagay ng karakter na ang tanging silbi lamang ay ang pagpapatuloy ng kwento ng iyong main lead. Always give every character a reason to be in the story and not just side characters who would witness the leads fall in love. Make every character memorable. Huwag ka lang magfocus sa main characters. Bigyang pansin din ang mga karakter sa likod ng kanilang kwento. Isipin mo kung paano sila magreact sa sitwasyon ng mga main characters. Give them roles that can stand on their own rather than leaving them one-dimensional without any growth.
Do not bore your readers! Huwag magsulat ng napakahabang talata/paragraph para ilarawan ang isang eksena sa iyong kwento. Ang isang paragraph ay dapat meron lamang sapat na sentences para mailarawan ang kabuuang sitwasyon sa eksena.
Huwag lang magsulat. Ugaliin din ang mag- edit. Huwag ding matakot na subukin ang iba't ibang writing styles para madiskobre ang iyong totoong technique at upang mag-improve ka as a romance writer.
Para sa enemies-turned-to-lovers type of stories, huwag mong pag-awayin ang iyong mga protagonists sa mga mabababaw at maliliit na bagay tulad ng "he's a bad boy sa school namin that's why I hate him." Give more context sa iyong kwento. Magbigay ng totoo at realistic na rason kung bakit ang iyong karakter ay iniiwasan o minsan pa ay ayaw sa target mong partner nito. Compliment their personalities. Make meaning of their character development for each other.
> Green Flag
Importante na maihatid mo sa mambabasa ang pagkabuo ng malinaw at epektibo na mga eksena na maghahatid sa iyong mga karakter patungo sa isang malalim na pag-iibigan. Bigyan sila ng pagkakataon na makilala ang isa't-isa, magkapag-usap tungkol sa kanilang mga interes at pangarap. Malaman ang mga 'di masyadong magagandang pag-uugali at mabubuti nilang asal. Sa pamamagitan nito ay hindi mo lamang maipapakita ang kanilang compatibility bilang magkapareha, kundi maipapakilala mo rin ang kanilang mga indibidwal na mga katangian.
Para sa enemies-turned-to-lovers type of stories, bigyan ng mas makabuluhang dahilan ang pag-aaway ng mga karakter. Naturingan man na classic ang, "he's a bad boy sa school namin that's why I hate him" na mga linya, mas makakaganda sa kwento kung ang dahilan ay makapagbibigay ng pagkakataon sa iyong mambabasa na mas makilala pa ang iyong mga karakter on an in-depth level. Give more context sa iyong kwento. Magbigay ng totoo at realistic na rason kung bakit ang iyong karakter ay iniiwasan o minsan pa ay ayaw sa target mong partner nito. Compliment their personalities. Make meaning of their character development for each other.
BINABASA MO ANG
The Wattpad Filipino Block Party 2020
RandomHello, Wattpadders! Muli na namang nagbabalik ang pinakamasayang party rito sa Wattpad! Heto na ang The Wattpad Filipino Block Party 2020! Halina't samahan kaming makisaya kasama ng ating mga kapwa readers at mga paboritong writers. #TWFBP2020 #TWFB...