Mairisian's Author Interview

499 12 25
                                    


The Wattpad Filipino Block Party 2020

#TWFBP2020 #TWFBPYore


1. Ano-ano ang mga pinaka-surprising na mga bagay na natutunan ninyo sa paggawa ng mga kwento?

- Ang may mapasaya at mapahanga sa kwentong binuo at natapos kong isulat. At ang mapahanga ang sarili ko. Hindi ko kasi expect ang lahat. When I read my own story, humahanga talaga ako at nasasabi ko sa sarili ko kung ako ba talaga ang gumawa ng kwentong ito. (Haha, I feel surprised, lalo na sa iyakan portion).


2. What do you prefer to write: Series or Standalone stories? Why?

- I prefer Standalone with side story. Kasi mas madali para sa akin na matapos iyon plus magagawan ko pa ng kwento ang naging kaibigan ng bida. Sa series kasi medyo naboboring na agad ako (hehe) hindi ko tuloy matapos-tapos ang series na ginagawa ko. That's only my opinion.


3. Ano ang weird writing habit ninyo? (side comment: kailangan niyo rin bang uminom parang si Edgar Allan Poe bago magsulat?)

- So far wala naman akong weird habit. Basta habang nagsusulat ako, kailangan ko lang ang tahimik na paligid at musikang tugma sa scenes na isusulat ko. Kahit pa paulit-ulit ang musika ay okay lang. Sa pamamagitan niyon ay mas ramdam ko kasi ang sinusulat ko na buong kaganapan sa estorya.


4. Among your stories, what particular scene is difficult for you to write?

- For me, Male P.O.V. Sobrang hirap ako mag described ng sasabihin ko kapag lalaki na ang point of view. Kaya halos ng mga naisusulat kong mga kwento ay kaonti lang ang Male pov ko.


5. Saan kayo mas nacha-challenge sa pagbuo ng first chapter o sa epilogue?

-For me, sa pagbuo ng first chapter. Nacha-challenge talaga ako na gumawa at magisip ng exciting scenes. Sa story kasi, sa unang kabanata talaga nagbi-base ang mga magbabasa. Kung boring ang una hanggang pangatlong kabanata ng estorya mo, asahan mo na maraming bibitaw sa estoryang binuo mo.


6. If you can bring one of your characters to life, who will it be and why?

-Sa lalaki, si Alexander Montecillo ng Elusive Heart. Seryoso siyang tao pero sobra niyang maunawain at mapagmahal na asawa. Yun lang. Basta, ayoko mag spoil ng readers :)

-Sa babae naman. Si Hikkary Libres ng Perfect Lies. Sobra siyang maunawain at mabait na kaibigan. She can sacrifice her own happiness para lang sa isang matalik na kaibigan. Kung ako maging kaibigan niya o kung may tao pang katulad niya na makikilala ko, hinding hindi ako magti-take advantage sa kabaitang pinapadama niya sa akin.


7. Among your characters, who's the closest to you? Why?

-Klara Santos of To Love Again. Super fighter niyang tao. Kahit nahihirapan at sobrang lugmok na niya sa kalungkutan, still life must go on parin siya. Parang ako, I will never quit and I will never stop on believing to my self. Alam ko at alam ni Klara na kayang kaya naming lampasan ang kung ano mang problema at dagok na dadaan sa buhay namin.


8. If you could collaborate with any author (local man or international), who would it be and why?

-Kahit sino po. As long as kaya ko po ang Genre na isusulat namin.


9. Anong famous story (be it classic or contemporary Literature) ang hinihiling mong ikaw ang nakapagsulat? Bakit?

-Marami. Pero isa ang pinakatumatak sa akin ang Kara Sevda. Super drama kasi siya at ang daming twists na hindi mo agad mahulaan. Ako kasi yung tipong mahilig sa deep twist.


10. What are your future plans in your writing career?

-Wala po. For me, wala na po akong hinahangad na sobra sa pagsusulat. Una sa lahat, katuwaan ko lang talaga ito noong una. Alam ko kasi hindi ako magaling lalo sa grammar. So, wala. As in wala. Pero patuloy parin po akong magsusulat as long as kaya ko pang bumuong kwento sa free time ko.


BONUS: Please leave a message for your readers.

- Hi Everyone. Alam ninyo, gustong gusto ko pong magpasalamat sa inyo ng paulit-ulit. Salamat kasi nandiyan parin kayo sa naka todo suporta sa akin. Mapa-paid story at free story na handog ko po sa lahat. Asahan ninyo po na magpapatuloy ako sa pagsusulat kahit pa minsan ay busy rin po ako sa personal kong buhay. I will also try my very best to always put a smile in your eyes, lips, face, mind and heart. Patuloy po kayong bubulabugin ng mga kwentong likha ko. Again, thanks a lot. May God bless us always ❤


-

Seni Seviyorum!

-Mairisian

The Wattpad Filipino Block Party 2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon