PabalatPH's History

564 11 2
                                    


The Wattpad Filipino Block Party 2020

#TWFBP2020 #TWFBPYore


Ang PabalatPH ay ang OPISYAL na Wattpad Filipino Community para sa mga amateur book cover designers. Ang layunin ng PabalatPH ay ang mapangkat ang lahat ng mga book cover designers at magbigay ng mga pabalat ng aklat na may magandang kalidad sa mga manunulat sa Wattpad.

PABALATPH'S MISSION

Ang layunin namin ay mapangkat ang lahat ng mga Filipino book cover designers at magbigay ng mga pabalat ng aklat na may magandang kalidad sa mga manunulat sa Wattpad.

PABALATPH'S VISION

Lumikha ng opisyal na komunidad ng mga cover makers sa Wattpad.

* *

PABALATPH'S HISTORY

Aug 2016

Nagpost si Nayin (NayinK) sa kanyang personal wall at nagtanong sa mga kaibigan niyang editor para sa kanyang naisip na plano. Sa parehas na buwan din sila nagsimula ni Mitch (Cappuchienooo) sa pagbuo ng Filipino Wattpad group para sa mga graphic artists/book cover makers. Ang mga naging hakbang ay may gabay ni Kristel at Maria, na mga Wattpad Staff noon at siyang may hawak sa Filipino language.

Aug 13, 2016

Nabuo ang facebook group ng editors na walang pangalan at tanging mga pioneer members lamang ang nag-imbita sa ng mga kapwa nilang editors na nanggaling sa iba't ibang existing graphic groups.

Ang first task ay ang pagpapangalan sa fb group at lahat ay nagbigay ng kanilang mga suhistyon sa pangalan ng group. Ang napili ng karamihan ay ang suhistyon ng member na si Ferrari Valentine na 'PabalatPH'.

At ito na nga ang kapanganakan ng first official profile ng AmbassadorsPH.

Aug 14, 2016

Pinost ni Nayin (NayinK) ang second task at iyon ay ang pagbuo sa PabalatPH: Profile of Cover Makers.

Pagkatapos niyan ay ang third task, which is admin hiring kung saan ang mga naglakas loob lang ang nag nag-apply at naging pioneer admins na sina Ja, CG, Geline, Luna, Fritz, Ferrari at Norvie. Noong admin hiring ay ni-require din ang mga nag-apply na magbigay ng kanilang sariling version ng magiging logo ng PabalatPH.

Aug 25, 2016

Opisyal na sinumulan ang PabalatPH sa Wattpad. The first official Filipino Wattpad group for book cover makers and AmbassadorsPH's first successful profile.

Ang description at Mission & Vision ng PabalatPH noon ay gawa ni Geline na sinalin din sa Filipino. Ang gawa rin ni Geline na logo ang napili nina Nayin na maging unang mukha ng PabalatPH noong admin hiring.

Trivia:

White at orange na katulad sa Wattpad ang unang naging kulay ng PabalatPH. Dahil sobrang simple nito, binago ang logo upang mas mapaganda rin ang color combination nito. Nagdesisyon na i-makeover ang PPH at magdagdag ng kulay. Ang gumawa ng kasalukuyang logo ng PPH ngayon ay ang former admin na si Niel Henry.


Note:

Kung ikaw ay wattpad editor o mahilig sa kahit anong editing, maari kang sumali sa PabalatPH at makisalamuha sa iba pang miyembro ng community. Huwag ring kalimutan na i-follow ang opisyal na wattpad account ng PPH.

The Wattpad Filipino Block Party 2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon