TUNAY AKO'Y MAPALAD

42 25 5
                                    

Tunay Ako'y Mapalad
[2018]

Tunay ako'y mapalad,
Ika'y aking nakilala.
Mula sa madilim na aking nakaraan,
Ikaw ang siyang sa aki'y nagpalaya.

Tunay ako'y mapalad,
Ika'y aking nakilala.
Bakas ng iyong mga malalaking yapak,
Ang siyang sa aki'y nagbibigay ng tatag.

Tunay ako'y mapalad,
Ika'y aking nakilala.
Mga matalinhagang katagang iyong binitawan,
Siyang naghatid sa akin patungo sa kaliwanagan.

Tunay ako'y mapalad,
Ika'y aking nakilala.
Dahil sa oras ng gipit at kalungkutan,
Ikaw lamang ang siyang aking kanlungan.

Tunay ako'y mapalad,
Ika'y aking nakilala.
Aking mga daing kasabay ng pagpatak ng luha.
Batid ko ako'y dinirinig mo sa tuwina.

Ama, sa Iyo'y alay, tunay na pananampalataya,
Na kailanma'y 'di ipagpapalit sa iba.
Tunay ako'y mapalad,
Ika'y aking nakilala.

__________

Burning Sapience [Poem Compilation]Where stories live. Discover now