Tumayo Ka at Iyong Ipakita
[August2017]Kailanma'y huwag ikahiya ang iyong sarili
Dahil lamang sa mga bagay na 'di mo taglay.
Sapagkat ika'y may sariling pag-aari,
Na sa iyo lamang ibinigay.Maaring nasa iyo ang kahinaan
Na sa iba'y kalakasan.
Ngunit may kakaiba kang kakayahan,
Na sa iba'y 'di matagpuan.Tumayo ka at iyong ipakita,
Mga bagay na iyong magagawa.
Iyong itaas ang nakayukong ulo,
At ilabas mga nakatagong kakayahan mo._______________
YOU ARE READING
Burning Sapience [Poem Compilation]
PoesíaCompilation of Poetries LANGUAGES ●iloco [native language] ●tagalog [second language] ●english [third language] 🔰HIGHEST RANKINGS #6 poetries [JUNE2020] #16 unspoken [SEPTEMBER2020]