Ulan
[2018]Nang ako ay musmos pa,
Sa mga patak nito, ako'y nagiging masaya.
Palaging nagtatampisaw rito,
Hanggang ang mga damit ko ay mabasa.Ngunit sa mga araw na nagdaan,
Wala nang interes kailanman.
Minsa'y hinangad na sa aming tahanan,
Mga sigaw nito'y sana di na muling mapakinggan.Dumating ang tagtuyot,
Mga maninipis na tela ang aking suot.
Nilalabanan ang matinding init na dulot,
Sa gabi'y puro pawis at di na magamit ang kumot.Kaya nang minsang di na makayanan,
Ako'y tumingala at humiling sa kalangitan.
Sana'y muling ibalik ang mga nakaraan,
Na sa mga sigaw ng patak nito'y nagdulot sa akin ng kagalakan.Ngayon nga ay dumating,
Ang tinig na ibig kong marinig.
Mga patak ng ulang nagmula sa langit,
Ang siyang muling kumatok sa aming tahanang kay init.__________
YOU ARE READING
Burning Sapience [Poem Compilation]
PoetryCompilation of Poetries LANGUAGES ●iloco [native language] ●tagalog [second language] ●english [third language] 🔰HIGHEST RANKINGS #6 poetries [JUNE2020] #16 unspoken [SEPTEMBER2020]