Anghel sa Templo
[2019]Buong pusong ipinagkaloob sa akin
Itong napakabanal na gampanin.
Ito'y buong puso't tapat na tutupdin,
Alang-alang sa sinumpaang tungkulin.Noo'y isa lamang akong kaanib na nasa ibaba,
Na sa mga anghel sa koro'y tunay na humahanga.
Ngunit ngayon, ako'y isa na sa mga bida,
Na sa mismong harapan ng marami nakikita.Napakabanal na tunay, itong aking tungkulin,
Bawat salita'y ramdam, espiritung hatid nito sa akin.
Napapaindak sa indayog ng awitin at tugtugin,
Hindi alintana ang pag-agos ng luha sa aking paningin.Nakakapanindig balahibo ang pag-upo sa koro,
Dahil pawang tingin ng nasa kapulunga'y pansin ko.
Ngunit sa kabila ng mga tingin tungo sa koro,
Sa kapulungan, dapat akong maging isang modelo.Bagamat maselan ang manatili roon,
Kailangang mag-ingat upang sa pagkakamali'y mailayo.
Sa pagitan ng mga awit, ako sa kaniya'y sumasamo,
At nananalig na siya ang makasama ko.Kaya nang matanggap ko ang napakahalagang tungkuling ito,
Ako'y nangakong ito'y kailanman, hindi isusuko.
Sapagkat ang pagiging isang Anghel sa kaniyang Templo,
Ay tunay na isang napakalaking biyayang aking natamo.__________
YOU ARE READING
Burning Sapience [Poem Compilation]
PoetryCompilation of Poetries LANGUAGES ●iloco [native language] ●tagalog [second language] ●english [third language] 🔰HIGHEST RANKINGS #6 poetries [JUNE2020] #16 unspoken [SEPTEMBER2020]