MAWALA NA ANG LAHAT

13 4 0
                                    

Mawala na ang Lahat
[October2018]

Napakaraming mga bagay ang maari kong makuha.
Napakaraming mga tao ang maari kong makasalamuha,
Ngunit darating ang hindi inaasahang panahon,
Sila ay maglalaho at biglang mawawala.

Nasanay ako sa mga bagay na aking naranasan
Nasiyahan ako sa mga taong aking pinakisamahan.
Naging kumpleto ang buhay ko
Nang naging bahagi sila ng mapupuhay ko.

Ngunit dumating ang panahong nawala sila,
Mga panahong kinapos, naghirap at nangailangan.
Hindi ko na sila naaninag sa aking mga mata
At doon nagdilim, nawalan ng buhay bigla.

Nagulat ako nang bigla akong nasinagan,
Sinag na nagbigay sa akin ng kaliwanagan.
Doo'y natuto ako, mata ko'y nabuksan,
Sumampal sa akin ang siyang katotohanan.

Natuto akong manalig sa kaniya
Sa panahong hindi ko na makaya.
Nanalig ako sa tuwi-tuwina
Na siya'y lagi kong kasama.

Nasubok ko ang kaniyang kabaitan
Sa mga pagkakataong ako ay nasa kahirapan.
Ibinuhos ko sa kaniya ang aking lakas
At ibinigay niya ang kaniyang pagkalingang wagas.

Nananatili akong nasa kaniya
Kahit mawala na ang lahat dito sa lupa.
Dahil noong ako'y nangailangan,
Hindi niya ako kailanman tinangkang iwanan.

Ngayo'y patuloy ako sa pagtakbo
Kahit wala akong makasamang ibang tao.
Dahil kahit mawala na ang lahat sa mundo,
Ang Panginoong Diyos ang siyang laging kasama ko.

__________

Burning Sapience [Poem Compilation]Where stories live. Discover now