PAGGISING KO, AYOKO NA SA TAO

19 10 2
                                    

Paggising Ko, Ayoko na sa Tao
[October2018]

Batid kong isang dapat gawin ng lahat
Ang siyang mahalin ang kapuwa nang tapat.
Ngunit paggising ko, ayoko na sa tao
Wala akong maisip kung bakit at paano.

Nasubok ko ang ibang tao
At alam kong hindi tayo pere-pareho.
Ngunit bakit bigla na lamang nabuo
Isang damdamin na tuluyang lumago.

Naiintindihan ko na walang taong perpekto
At mismong sarili ko ay kabilang dito.
Ngunit bakit paggising ko ay nagkaganito?
Bakit bigla akong nawalan ng respeto sa mga tao?

Napakaraming dahilan ang aking naiisip
Ngunit wala ako ni isang puntong masambit.
Dahil hindi lingid sa aking mga mata
Na ang tao ay totoong makasalanan nga.

Katiwalian, kalayawan at kamunduhan-
Iyan ang laging ginagawa ng aking mga kababayan.
Na minsa'y naikukumpara ko sa aking pagkatao
Na isinasaalang-alang ang iba bago kumilos at magtrabaho.

Tunay na wala akong alam sa nangyayari
Dahil paggising ko, ayoko na sa tao.
Hindi ko alam kung dahil ba ito sa poot ko
O sadiyang inilayo ang loob ko sa ibang tao.

__________

Burning Sapience [Poem Compilation]Where stories live. Discover now