Gusto Pero Bawal
[August2018]Nagsimula ang lahat sa isang tanong.
Pag-alok ko ng isang harana,
Para sa isang dalaga
Na dahilan ng pagsibol
Ng aking nadarama.Nagtanim ng hapdi't kirot
Nang magsalita ng negatibong sagot.
Naging mahirap limutin
Pag-ibig na pinalago
Para lamang siya'y mahalin.Ngunit hindi ko alam
Na may isang dahilan.
"Gusto pero bawal"
Na nangangahulugan lamang
Sa pagpapahalaga niya sa kaniyang kahalalan.Lalong lumago ang aking pagtingin
Dahil sa pananampalatayang
Nakapagbukas,
Nakapagpabago,
Sa sarado kong pag-iisip at paningin.Upang makamit ko ang kaniyang pagsinta,
Nakinig, sumamba't nagsuri.
Ang mga aral, sa aki'y kumandili
Pananalig sa Diyos
Sa akin siyang naghari.Ngunit iba ang aking naramdaman.
Ang Ama ang siyang dahilan.
Siya ang sa aki'y tumawag.
Ginamit na kasangkapan
Ang irog kong anak ng kabanalan.__________
YOU ARE READING
Burning Sapience [Poem Compilation]
PoetryCompilation of Poetries LANGUAGES ●iloco [native language] ●tagalog [second language] ●english [third language] 🔰HIGHEST RANKINGS #6 poetries [JUNE2020] #16 unspoken [SEPTEMBER2020]