BATID KO IYAN ANG KATOTOHANAN

23 10 0
                                    

Batid Ko Iyan ang Katotohanan
[January2018]

Mga kabataan sa modernong panahon,
Iba na ang sitwasyon.
Hindi na tulad noon,
Na lubhang mahinahon.

Ang iba...maagang nag-aasawa.
Yung iba...nasa kalsada...naglalakwatsa.
Hindi na makontrol ang sarili nila,
Kaya sa damdamin, sila'y nadadala.

Ang iba...nalululong sa droga,
Impluwensya...mula sa barkada.
Kaya napapariwara,
Di na rin pumapasok sa eskuwela.

Sa panahon ngayon,
Babae na ang agresibo.
Sila na ang lumalapit sa lalake,
Na para bagang kable ng kuryente sa poste.

Ang iba, modernong tekno ang pinagkakaabalahan.
Di na nakakatulong sa mga gawaing pantahanan.
Di na rin nagsasalu-salo sa hapagkainan,
Dahil tutok sa kanilang libangan.

Ang iba, grabe ang tabas ng dila.
Nakakabitaw na ng masasakit at masasamang salita.
Di na nirerespeto ang mga matatanda,
Sinusumbatan na rin ang mga magulang saan man sila magpunta.

Kabataan ngayon, mahirap nang pagalitan.
Dahil kapalit nito'y mga katagang nakakasuklam.
Hindi pa rin tumitigil kahit ilang beses nang binalaan.
At saka magsisisi sa hulihan.

Ilan lamang yan sa mga obserbasyon ko,
Sa mga kabataang nasa paligid ko.
Mahirap mang tanggapin,
Ngunit iyan ang mga pagbabago mismo sa buhay natin.

Marahil ay nagtataka kayo,
Kung bakit ganito ang tula ko.
Gusto ko lamang ipabatid sa inyo,
Na natatakot ako sa ipinagbago ng mga kabataang gaya ko.

Maaaring epekto nito ng mga barkada,
O pagpapariwara dahil sa suliranin sa pamilya.
Ngunit sana, nang dahil sa mga ito'y huwag magpadala,
Dahil basehan natin si RIZAL. Ang kaniyang kataga.

"TAYONG MGA KABATAAN ANG PAG-ASA NG BAYAN"
Huwag sana nating hayaan na ang katagang ito'y mayurakan
Bagkus ipakita nating tayong mga kabataan,
Ang siyang tunay na yaman.

Asam kong mahayag,
Sa buong mundo...ang aking pahayag.
Dahil pansin ko ang laganap na maling kaugalian,
Ng mga kabataan sa lipunan.

Nawa dahil sa pahayag na ito,
Ay huwag akong kamuhian.
Dahil batid ko,
Iyan ang katotohanan.

__________

Burning Sapience [Poem Compilation]Where stories live. Discover now