Twelve

131 6 1
                                    

"Just submit the revised copy of your research after the event. Congratulations!"



Yes! Music to my ears! I could hear the graduation march already. Char. But it was satisfying to hear. I feel accomplished. 



Nagpasalamat kami sa panel at bumaba na. Pagkarating namin sa baba, naghihintay si Ellie at Henley na bukas pa nakaschedule. Agad nila kaming nilapitan ni Reese at tinanong.



"Uy, ano. How was it?" Henley asked. Sabay lang kaming sumigaw nang malakas ni Reese bilang sagot. Agad namang hinila ni Ellie ang buhok namin pareho ni Reese.



"Hoy, mga babaeng pinaglihi sa sound system ng barangay, manahimik kayo! Ang daming tao nakakahiya."



"Bawal ba magsaya, Elliana?" Irap ko sa kanya habang inaayos ang buhok kong bahagyang nagulo.



"You know, instead of pulling my hair, be ready nalang. Na 'so what' kami sa isang member ng panel. Ugh!" Pagbabanta ni Reese kay Ellie.



Natawa naman kami ni Henley sa reaksyon ni Reese. Tinanong kasi kami kanina about the purpose of our research, Reese answered. Confident pa si bakla dahil maganda ang sagot. After that, a member of the panel said, "So what?" Kaya naman natunganga si Reese after.



"Oh, Matthew, how was the court trial?" Pang-aasar ni Ellie kay Matthew na nasa likod ko at hawak ang mga folders namin dahil irerevise pa ang mga iyon. 



"I won the case." Matthew shrugged.



Nakita rin naming tumatakbo palapit si Rave sa amin at mukhang makikibalita rin.



"Hanep! Mukha kayong mga nag-aalok ng bahay at lupa sa mga suot niyo ah." At saka humagalpak sa tawa ang kararating lang na si Rave. Reese and I were wearing black pencil cut skirt that ended above our knees and long sleeved blouse. Cream ang sa akin at white naman ang kay Reese. Matthew's wearing black pants and long sleeved button down polo. It was tucked in kaya mukha talaga kaming pormal.



"Alam mo, Rave, tangina ka." Tuloy tuloy na sabi ni Reese at tumawa nalang kami ni Matthew. Naupo muna kami sa malapit na bench.



Matthew whispered from my back before he sat on the bench. "Congratulations, love." Kaya naman napangiti ako agad at kinilig. Lumingon ako sa kanya at nginitian siya. "Congrats din. I'm proud of us."



"Edi sana all!" Sabi ni Ellie at naupo na rin.

Red String of Fate (Colours of Love #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon