Twenty six

210 8 0
                                    

"Engr., nagtabas na kami sa site tapos may pundasyon na rin. After lunch, pwede na magsimula sa buhos."



Engineer Reyes informed me in my office. Hindi pa ako dumiretso doon dahil kinailangan ko pang sumaglit dito sa office to view some files. After lunch rin naman ay pupunta na ako doon. At saka, wala pa ang kotse ko! Ang hassle magcommute to Cavite. Rush hour pa!



Paano naman kasi niya ako matetext kung wala siyang number ko! Hihintayin ko pa tuloy ang text niya dahil nasa kanya ang sasakyan ko. Bahala na! Ipapaliwanag ko nalang kay Kuya Marco. Kapatid naman niya ang may kasalanan, e.



"Okay. Sunod ako after lunch." I told him.



Pagod at puyat pa ako dahil anong oras na ako nakauwi kagabi at hindi agad nakatulog. Gusto ko nalang umidlip dahil parang hindi ko na kaya ang antok.



When I finished the paper works, I decided to check my phone pero wala pa ring text si Matthew. I checked his Instagram pero mukhang hindi naman siya active sa social media. I was about to message him but a message from an unknown number popped up.



Unknown Number:

I'm here at the lobby.



Alam ko na agad na si Matthew iyon. I changed my heels to flat shoes dahil pupunta na ako sa site after. I'm wearing gray turtle neck blouse na nakatucked in sa black slacks ko. Binitbit ko rin ang white hard hat ko at bumaba na.



I saw him sitting on the lounge chair sa lobby while wearing gray long sleeves polo and black pants. I looked at my outfit. Pota, mukha kaming naka couple outfit!



"Where's my car?" Agad na tanong ko dahil ayoko nang magtagal na kausap siya.



Tinignan lang niya ako at mariing tumawa. Tumayo siya kaya sinundan ko na siya. There, I saw my car. 



"Thank you. Una na ako." Sabi ko ulit at nagmamadaling pumasok sa kotse ko.



Hindi ko na tinignan o hinintay man lang ang response niya dahil dumiretso na ako at nagdrive papuntang Cavite. Nalimutan kong sumaglit para bumili ng pagkain kaya sana ay nagpacater sila sa site. Gutom na ako!



When I reached the site, nakita kong nagsisimula na silang magbuhos. Isinuot ko na ang hard hat ko.



"Ay! Porkchop!"



Halos mapatalon ako sa gulat ng may bumusina sa likod ko. Irita ko itong tinignan at ready na sa giyera. Napakabarumbado!



I saw the white BMW. I pursed my lips, preventing myself to burst out. Nakita ko pang nakangisi siyang bumaba sa kotse niya. Nagsuot siya ng shades at saka ako nilagpasan. What the actual fuck?! Why is he even here? Wala ba siyang trabaho?



Dumiretso nalang din ako sa sa mga trabahador at lumapit kay Kuya Marco. Hindi ko kilala ang mga engineers at workers dahil galing silang lahat sa iisang firm. Ako lang naman ang naiba.



"Uy, Engr. Dela Cuesta. Come here, I'll introduce you to our other engineers." Agad niyang tinawag ang ilang mga tao at ipinakilala sa akin. Mukha naman silang mabait.



Iniwan na ako ni Kuya Marco kaya chineck ko nalang ang approved design at blueprint para makapagsimula na rin ako.



"Did you eat?" Matthew stood beside me at sumilip rin sa blueprint.



"Why do you care?" Sagot ko at patuloy ang tingin sa blueprint. "At bakit ka ba nandito? Don't you have work? So unprofessional."



"Is that how you treat your clients?" He smirked.



Red String of Fate (Colours of Love #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon