Twenty nine

195 6 1
                                    

"Engineer, nalagyan na ng bakal 'yan! Sosobra na 'yan! Haha."


Nilingon ko si Engineer Ramirez na nasa likod ko pala. Bigla tuloy akong nagising sa katotohanan dahil nalagyan na pala ng bakal ang poste dito se second floor. Hindi ko napansin. Nginitian ko lang ng alanganin ang isang worker.


"Okay ka lang ba? You seem bothered." Puna niya sa akin.


"Huh? Hindi naman, Engineer. Marami lang iniisip hehe."


Gaya ng sinabi ni Matthew sa akin kagabi. Hindi ko alam. Bakit na nga ulit napunta sa gano'n? Hindi ako pinatulog noon kagabi. I was thinking of it too much.


"May breakfast na sa baba. Tara na?" He smiled at me. Tumango lang ako at sumunod na pababa para kumain.


Kumuha lang ako ng burger at isang cup ng kape. Saka ako umupo sa monoblock chairs na naroon sa ilalim ng tent. I was about to take a bite when my phone beeped. Hindi nakasilent kaya narinig pa ng mga kasama ko. Sabay sabay pa tuloy silang napalingon sa pwesto ko. Nakakahiya!


Dr. Garcia:

Good morning. I'm here at the hospital already. Take care.


I pursed my lips, preventing a smile. Nanlambot ang tuhod ko. Ano ba 'yan! Marupok sa pogi.


"Oh, Engineer Dela Cuesta. Mukhang maganda gising natin, ah!" Kinantyawan ako ni Kuya Marco nang mapansin akong nakatitig sa phone ko at nagpipigil ng ngiti.


"Ay hehe. Order sa Shopee, Engineer. Out for delivery na." Palusot ko.


"Naku! Parang hindi naman! Kilala ko ba 'yan?" He insisted.


Oo, kapatid mo lang naman.


Umiling lang ako sa kanya at ngumiti, avoiding further conversation about it. Kumain nalang ako roon at nagreply na.


To Dr. Garcia:

Nasa site na ako sa Cavite. I'm having breakfast rn.


After that, bumalik na kami sa site to continue. Una palang itong mini hotel. We still have pools, pavilions, and other buildings since it's a leisure place. Malaki rin kasi. Pwede raw itong stop over for their clients sa travel company nila. I heard, mas malaki na iyon ngayon.


I spent the whole day sa site. After that, I went home to rest. The next weeks have been like that. Matthew would always update me on what he does everyday! I've been busy sa site at siya rin sa hospital kaya naman puro ganoon lang. I'm still not used to communicating with him. Nakalimutan ko na ang pakiramdam kaya para akong nangangapa pa. Feeling ko tuloy, high school ulit kami.


Today will be another day at the site but not in Cavite. Sa bahay ito ni Marcus. Nagstart na sila rito for a few weeks na pero ngayon lang ako makakadalaw ng buong araw. I've informed Marcus about it pero sabi niya ay 'oks lang' dahil baka batukan raw siya ni Kuya Marco kapag ipinilit niyang bisitahin ko ang bahay niya nang madalas.

Red String of Fate (Colours of Love #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon