Sixteen

121 4 1
                                    

Nagising ako sa katok sa pinto. I checked the time and it's already 5PM. Napahaba yata ang tulog. Inayos ko muna ang buhok ko at dumiretso sa pinto. Pagbukas ko nito, room service pala dahil nga almost dinner na. Pumasok siya at nilapag ang pagkain sa table.



"Do you still need anything, Ma'am?" Tanong sa akin ni Ate.



"Okay na po. Thank you."



Then she left after that. I decided to take a shower muna before eating. May bath tub pa kaya natagalan ako dahil ilang minuto ko pang nilublob ang sarili ko doon. Para marelax. After that, I just put on black shorts and crop top shirt. I checked my phone at nagtext si mama. Sinabi lang niyang mamaya pa siya dahil nga late na raw matatapos ang event.



Kumain nalang ako at nanuod ng kung anu-ano sa TV. Hindi ko namalayan ay malapit na palang mag 9PM. Nagutom ulit ako kaya bumaba ako para bumili. May nakita kasi akong parang convenience store kanina. Kinuha ko ang phone, wallet, at card.



Pagkarating ko doon, wala naman masyadong tao sa store dahil nga gabi na. Kumuha lang ako ng instant ramen at chips, pati na rin bottled iced tea. Binayaran ko na ito at bumalik sa room. Naabutan ko na rin doon si mommy na mukhang pagod at katatapos lang ng event niya.



"Oh, Thea. Bakit naman ang dami niyan?" Turo niya sa mga dala ko.



"Nagutom ako, Ma. Bitin 'yung pagkain kanina hehe."



Pumwesto na ako sa sofa at nanuod na ulit. Si mama naman ay natulog na dahil maaga pa raw siya bukas. Naenjoy ko masyado ang movie na pinapanuod kaya inabot ako ng hatinggabi. Tumatawag at nagtetext pa rin si Matthew pero hindi ko pa rin sinasagot. Nakachat ko sila Reese kanina para naman hindi sila mag-alala sa akin.



Dinalaw na ako ng antok at napagpasyahan na bukas nalang magswimming. Puro kasi ako tulog!



"Thea, I'll finish around 6PM. Bumangon ka na diyan, it's almost lunch."



Marahan akong niyugyog ni mama para bumangon at gumising na. Binuksan pa niya ang blinds para mapilitan akong bumangon. Para pa rin akong nasa bahay kung gisingin ni mama. Kulang na lang ay patayin niya ang aircon para mainitan!



Required namang tumunganga bago tuluyang mag-function, 'di ba? Parang parte ng morning routine ko ang matulala bago maghilamos. Bakit ba?



Namimiss ko na si Matthew. Pero nangingibabaw talaga ang pride ko ngayon. Bahala na nga.



Naligo muna ako bago kumain. Balak ko magswimming ngayon kaya naman binilisan kong kumain. Nagsuot ako ng one piece swimsuit na black at nagwhite shorts. Straight naman ang cut nito sa may dibdib kaya hindi revealing, medyo mababa nga lang sa likod. Baka kasi hambalusin ako ng nanay ko kapag revealing.

Red String of Fate (Colours of Love #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon