Five

145 9 0
                                    

"Goodness gracious! Hindi ko nasagutan 'yung huling worded problem sa Physics!" Ellie hysterically said. Kulang nalang ay masabunutan na niya ang sarili niya.



"What was required there ba? The tension on the rope?" Reese asked while checking her scratch paper. Ang pinagbabawal na teknik! But I do that also. To check if I was right or to regret everything I did during the exams.



"Gunggong ka, girl? Tension was given. Mass ng object ang hanap!" Umirap si Henley sa dalawa.



They were so entertaining to watch. Akala mo ay hindi sila magkakaibigan kung mag-argue.



"Tumigil nga kayo diyan! Angle ang required. Mali kayo both." I told them when I found my solution sa scratch paper ko. Feeling ko naman tama ako eh. Feeling ko lang.



"Oh kita mo, Henley! Gunggong ka rin!" Sumagot ng irap si Reese kay Henley.



"Ugh! There's nothing we can do na. Can we just eat na or something? We will have Basic Cal pa tomorrow!" Ellie said while massaging her temple.



Palagas na rin ang natitirang brain cells ko. Mabuti nalang at half day lang kami kapag exams. So tomorrow, panghapon naman kami. May time pa to review lalo na at Basic Cal bukas together with other subjects. Hindi ko rin nakita si Matthew kasi nasa isang bulding yata ang room nila for the exam. Aral muna for now, landi can wait.



Napagdesisyunan naming dumaan nalang sa grocery to buy snacks for reviewing kasi Reese needs to go home for lunch. Bukas nalang daw kumain para wala nang iisipin after. More like a celebration na. Everyone agreed on that naman.



"Hoy alam niyo ba may nagplan pala ng practice game ang basketball team ng section natin. Matthew told me. Mukhang ready na sila masyado." I told them while getting Doritos to put in my small cart.



Sabay sabay naman silang nagtinginan at tinignan ako habang nakataas ang mga kilay nila.



"What?" Tanong ko at namili pa ng ibang chips.



"Ay ibang level na pala kayo, sismars. May update nang nagaganap." Henley chuckled while choosing on what to buy.



"Hoy Althea Danielle! What's the real score? Is he courting you already? Mabilis naman pala si Garcia!" Ellie laughed at siniko pa ako nang bahagya.



"No! Nabanggit lang niya sa akin. Bawal ba 'yon? Ha?" Depensa ko naman.



"Edi no." Reese mocked me tapos ay sabay sabay pa silang tumawa. Mga gaga nga talaga.



Nagbayad na kami then umuwi na. Wala naman akong nadatnan sa bahay dahil may work si mama. Si daddy naman ay nagtatrabaho rin, pero overseas. Umuuwi lang siya once every two years. Wala na rin naman akong kapatid. Namatay na ang kuya ko bago pa ako ipanganak ni mama. They told me he had a disease and mom was very devastated because she also had complications when getting pregnant. Risky daw kaya nawalan na sila ng pag-asa to have a child again.



But then there's me! Ipinagpapasalamat ko nalang at hindi 'Miracle' o 'Milagros' ang ipinangalan sa akin. Dahil kapag nangyari iyon, baka mas gustuhin ko nalang bumalik sa pagiging sperm ng tatay ko.



Nagugutom na ako kaya I decided to check if my mom left food for me since alam niyang half day lang ako today. I checked the fridge at may container akong nakita doon, ipapainit ko nalang. Pagkatapos kong kumain ay umakyat ako sa kwarto para maligo at magpalit ng damit. Nagshorts lang ako at shirt. Ibinaba ko na rin ang mga notes at libro dahil sa sala ako magrereview.



Red String of Fate (Colours of Love #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon