Fifteen

150 5 0
                                    

"Salamat naman at nakasama ka naming kumain today!"



Today's the last day of our event. Sa wakas ay nakasama na rin akong kumain sa kanila ngayon dahil puro basketball games nalang and there will be professional individuals invited by the school to take in charge. In short, today's my free day! I can enjoy the event like a normal student.



"Konti nalang at mapagkakamalan na kitang may-ari ng school sa sobrang busy mo." Pagbibiro ni Ellie habang namimili ng kakainin niya.



After lunch break, may isang game pa bago kila Matthew kaya naman naisipan naming kumain sa labas. Magkakasama rin kasi sila Matthew, Rave, at Andrei. Para siguro magpakondisyon o kung ano man. Hindi naman nila binanggit sa akin.



"Nandito na nga ako, sis. Pumili ka nalang ng kakainin mo. Napakabagal mo."



After 10 minutes, our food was served on our table. Nagkwentuhan pa kami habang kumakain dahil the last few weeks, hindi ko na sila nakakasama. Nagpapicture pa kami sa isang crew. Lahat kasi kami ay nakasuot ng may touch of red dahil nga red ang color ng jersey ng section namin. Pakana ito ni Henley.



"Mabuti nalang at hindi red ang table cloth dito kundi pakyu ka sa 'kin, Henley." Umirap si Ellie habang chinecheck ang mga litrato namin. Wala daw siyang gustong i-post dahil ang baduy daw ng mga itsura namin.



"Ano na naman? Simple act of support for the guys! Para namang ikamamatay mong magsuot ng red." Sagot naman ni Henley. "What's wrong ba? Magaganda naman suot natin ah."



"Don't fight over that na, magmumukha kayong siling labuyo!" Saka tumawa si Reese. Sabay naman siyang tinignan ng masama ng dalawa. 



"Ellie, tiisin mo nalang. Matatapos rin." Pang-aasar ko sa kanya.



"I'll post this one!" Tuwang tuwa si Henley at ipinakita sa amin ang litrato. "Tapos ang caption ko..." She looked up like she's composing a really good caption kahit alam kong kagagahan rin ang caption niyan.



"Red is love!"



Napasapo nalang kami sa mga noo namin nang marinig ang gusto niyang caption sa litrato namin. Pucha, anong kagagahan naman 'yon?



"Jejemon amp." Ellie rolled her eyes.



"Ang OA naman. 'Di pwedeng joke? 'Di pwede?!" Irap din ni Henley.



Bago pa sila magsabunutan ay umalis na kami at dumiretso na sa school para may maupuan pa kami sa bleachers. Baka kasi marami ng tao mamaya. I'm wearing red off shoulder top, high waisted jeans, and white top-sider shoes with my white sling bag. Ellie is wearing a white crop top polo with red cherries design, high waisted pants and white sneakers. Reese, on the other hand, wears deep red overlap dress and white sandals.

Red String of Fate (Colours of Love #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon