Twenty four

165 5 0
                                    

"Vera! Wala tayong pambayad d'yan, mahal 'yan!"



Halos sumigaw na ako dito sa mall dahil muntik nang mahulog ang isang vase na nakadisplay sa nadaanan naming stall dahil agad na tumakbo doon si Vera. Tumakbo na ako para sundan siya dahil baka makabasag pa siya doon! Icha-charge ko 'yon sa tatay niya kapag nagkataon!



"Look at those guys oh. Magagalit sila kapag malikot ka." Itinuro ang mga guards sa mall para takutin si Vera. 



Hinawakan ko na ang kamay niya at nagpunta sa clothing store na pinuntahan namin last time. I decided to buy the white dress Vera pointed out last time. White and gold kasi ang motif ni Kuya Marco so ito nalang. Galing akong office at iniwan na naman ni Andrei si Vera sa akin dahil bibisita daw siya sa site sa Bulacan.



Paminsan naiisip ko na sana pinaampon nalang nila si Vera sa akin tutal ako nalang din naman ang nag-aalaga sa kanya. Wala rin namang sweldo. Kaloka, anak anak pa, di naman kaya balansehin sa trabaho nila. Hay.



"You will buy the beautiful dress na Ninang Tey?" Vera asked while staring at me holding the dress.



"Yes, my love. Sabi mo beautiful, e." Then I pinched her cheeks. So cute!



It's a one shoulder silk long dress. Fitted siya sa upper part pero medyo flowy na sa baba. May slit din na above the knee pero keri lang. Meron na akong heels sa bahay kaya ito lang ang bibilhin ko at regalo para kay Kuya Marco. Nahihirapan nga akong mamili kasi mayaman naman siya, kaya niya bilhin lahat.



Rice cooker nalang yata. Chos.



After we paid for the dress, dumaan kami sa isang home appliance store to check for possible gifts. Kung wala akong mahanap, rice cooker nalang talaga.



Habang naglilibot sa loob, nakakita ako ng isang lamp shade. It was a Bali-inspired lamp shade and is made of ratan. Ang ganda. Hindi kasi normal na lamp shade ito kaya ang cute. I decided to buy that at pinabalot ko na rin. Para less hassle.



Dahil sa medyo malaki ang box, sobrang hirap kong hinawakan palabas lalo na at hawak ko sa isang kamay si Vera. Sana kasi nagfamily planning muna si Andrei, 'di ba? But I enjoy taking care of Vera, minsan lang kapag may errands din ako, syempre natatakot ako baka hindi ko siya mabantayan nang maayos.



When we reached the parking lot, agad ko na siyang pinapasok at inilagay ang mga gamit sa likod. We went back straight to my office dahil doon daw susunduin ni Andrei si Vera.



Agad na rin kaming kumain sa office ko. Hindi rin nagtagal at dumating na si Andrei to pick up Vera. Wew, pick up. Akala mo package lang, e.



"Uso ba sa'yo family planning?" Biro ko sa kanya.



"Luh, 'di pa naman susundan si Vera. Wala pa kasi kaming pansweldo sa'yo, e. Kaya hindi muna." He laughed. "Nandyan na yaya niya bukas. Kaya salamat, ha?" Tinapik pa niya ang balikat ko.



Inirapan ko lang siya. Ibinaling ko ang atensyon ko kay Vera na sinusuot na ang bagpack dahil aalis na.



"I will miss you, my love." I carried her and kissed her.



"Love you, Ninang Tey." She hugged me with her little arms.



Ibinaba ko na siya at binuhat na ni Andrei.



"Balita ko invited ka sa kasal ni Engr. Garcia ah." He said meaningfully like he does not really pertain to Kuya Marco. Kaasar.



"Pake mo?" Barumbadong sagot ko.



Red String of Fate (Colours of Love #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon