Chapter 5

87 6 3
                                    

"NO! I can't marry someone who is old enough to be my father!" Himutok ni Rafi sa sarili. Nakauwi na siya sa kanilang mansyon at ngayon nga ay nasa loob na siya ng kanyang kwarto, sa pagkakataong iyon ay nakaupo ang dalaga sa harap ng kanyang salamin habang kinakausap ang sarili. "Bakit ba kasi hindi ko muna inalam kung sino bago ako nagsabing pumapayag agad ako?!" She groaned, "I was being so desperate!" Dagdag niya. "But then, wala pa rin naman akong magagawa, kailangan ko pa rin magpakasal sa kanya! Paano na 'to!" Kulang na lang ay maglupasay siya sa sahig nila habang umaangil.

Natigil siya sa pag-iisip nang marinig ang sunud-sunod na pagkatok muna sa kanyang pintuan, "Anak? Ang mama mo ito!" Tawag nito.

Bahagya niya munang inayos ang ginulong buhok bago siya tumayo at binuksan ang pinto. Bumungad sa kanya ang nag-aalalang mukha ng kanyang ina, "Anak, mukhang may problema ka. Naririnig kita hanggang sa labas." Sabi nito.

Nanatiling walang imik si Rafi bago naglakad papunta sa kanyang higaan at naupo dito. Sinundan naman siya ng kanyang ina na naupo naman sa bakanteng silya sa tabi ng kanyang kama.

"Medyo stressed lang 'ma." Mahinang sagot niya. Gusto niya pa sanang maglitanya ng mas mahaba pero naisip niya na baka masaktan ito dahil baka masabi niya kung gaano siya naaasar ngayon sa sitwasyong pinaglagyan sa kanya ng ama, na nasisiguro niyang alam din ng kanyang ina. Kaya quiet na lang muna siya, sa mga kaibigan niya na lang siguro ikukwento ito mamaya.

Tumawa ang kanyang ina, "Stressed? Wala akong naiisip na ikaka-stress ng prinsesa ko." Masuyong saad nito. Isa ito sa mga bagay na gusto niya sa ina. Her voice had always been melodic and soft. It always made her feel safe, at dahil nga doon hindi na rin siya nakapagpigil at hindi nagtagal ay naisipan ni Rafi na ibahagi ang kaunti sa iniisip dito, "Mama, alam mo ba ang tungkol sa kasunduan ni papa kay Mr. Ventura tungkol sa 'kin?" Tanong niya. Saglit na nag-isip at saka tumango ang ina bago siya sinagot, "You mean the marriage agreement? Yes, I knew all about that." Direktang sagot nito na bahagyang ikinagulat niya.

"And you agreed with it?" Napataas ang kilay niya pagkatapos magtanong ulit.

Tumango ang kanyang ina, "Sinabi nila na kapag tumuntong ka ng twenty-seven at wala ka pang asawa o boyfriend ay saka lang namin itutuloy ang usapan. Kahit nasa tiyan pa lang kita noon, I always knew that you will grow up to be a fine, beautiful lady, and you did. Akala ko kapag tumuntong ka sa edad mo ngayon ay baka may sarili ka nang pamilya." Mahina itong tumawa sa tinuran. Rafi rolled her eyes and smiled to that thought too.

"Tapos nung bagong panganak ka pa lang, lagi kang nilalapitan ni Raphael tapos nilalaro, napaka-cute niyo talaga! Kaso nga naging busy na rin nga sa kanya-kanyang business ang mga pamilya natin kaya hindi na rin kayo masyadong nagkita. Pero Rafi, I do believe in destiny, and I think that you and Raphael are destined." Nakangiti pa rin ito habang sinasabi iyon.

Pinigilan niyang mapangiwi sa sinabing iyon ng kanyang ina, kung mula pagkabata pa lang ay kursonada na siya ng matanda ay hindi ba nakakatakot 'yon? O baka naman walang malisya ang ginagawa nito noon at sadyang mahilig lng sa bata at 'di kaya ay talagang gwapo ito nung kabataan kaya cute na nakikipaglaro ito sa sanggol. Sa totoo lang ay matipuno pa rin naman ito kahit halata nang may edad. Pero sa huli, kahit anong pagpipilit ni Rafi sa sarili ay wala, hindi niya talaga kayang magpakasal sa ganoon katanda.

 "Ma, I c-can't do it. Ayokong pakasal sa kanya." Mahina niyang pag-amin.

"Pero akala ko ba pumayag ka na daw sabi ng papa mo?"

Nag-iwas siya ng tingin dahil wala na siyang ibang maisagot, "I'm sorry."

"Maybe you should talk to your dad." Payo nito. "Pero naalala mo 'yung lagi kong sinasabi? Destiny has a habit of coming back. The fact na dumating ang pagkakataong 'to para sa inyo, it could mean something."

Cursed Brides Series: My Second-Option Groom (published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon