SHE finished her finishing touch with her lip gloss. Matama niyang tinignan ang sarili sa kaharap na salamin habang nakaupo sa harap ng kanyang make-up set. Makailang ulit na siyang nagbuga ng hangin. Hindi dapat siya malungkot dahil pupuntahan na niya ngayong araw ang solusyon para masira ang sumpa sa kanya. Ang natitirang solusyon.
"Ano ba Rafi? Hindi ka dapat malungkot! Anong inaarte-arte mo dyan? Isipin mo na lang mawawala ang sumpa na nakadikit sa 'yo. Hindi ka na magiging malungkot habang-buhay." Sabi niya sa sariling repleksyon sa salamin. Nakagat niya ang ibabang labi pagkasabi ng huling mga salita.
Hindi nga ba siya magiging malungkot kapag pinakasalan niya si Mr. Ventura? Hindi nga ba siya magiging malungkot kung hindi niya magagawang pakasalan si Paeng? Ang lalaking... hindi na niya alam kung ano pa ang dapat niyang maramdaman o itawag pa dito.
Naudlot ang pag-iisip niya nang makarinig siya ng katok sa kanyang pintuan, "Ma'am Rafi, hinihintay na po kayo ng papa ninyo sa ibaba. Mahuhuli na daw po kayo."
"Sige, pakisabi susunod na ako." Sagot niya nang hindi man lang gumagalaw sa kanyang kinauupuan. Nang marinig niya ang yabag ng kanilang katulong na naglakad na palayo ay muli niyang inirehistro ang paningin sa harap ng kanyang salamin. Napangiti siya sa itsura niya. Wala na ang makakapal na eyeshadow, mahahabang hikaw at kung anu-ano pang mga burloloy. Isang simpleng Rafi na lamang ang nasa harap niya ngayon. Tinignan niya rin ang kanyang make-up set na maayos na nakapatong sa kanyang mesa. Tingin niya ay hindi na niya masyadong magagamit ang ilan sa mga ito. Nakakatawa kung paanong sa loob ng dalawang buwan ay nabago agad ni Paeng ang maraming bagay sa kanya.
Naisip na naman niya ang tungkol sa lalaking 'yon. Gusto na namang mag-unahan ng mga luha niya sa paglabas. Kagaya na lamang ng kung ano ang laging nangyari sa unang linggo ng pag-uwi niya. Halos lumuwa ang mata niya sa kaiiyak. Pero matapos ng unang linggo ay tumigil din siya, naubos na yata ang luha niya, napagod na rin siya. Naubos na lang ang mga araw na nakatingin siya sa kawalan habang nag-uubos ng wine o brandy.
"Tama na. Hindi ko na aaksayahin ang luha ko sa walang kwentang lalaking iiwan lang naman pala ako pagkatapos ko ma-fall."
Sa huli ay tumayo siya sa kinauupuan at lumabas ng kanyang kwarto. Tahimik niyang nilandas ang daan pababa ng kanilang grand staircase. Dalawang linggo na nang makauwi siya sa mansyon, ngunit parang gusto na niya ulit bumalik sa maliit na apartment na tinitirhan niya noon.
Binati siya ng maaliwalas na ngiti ng kanyang mga magulang pagbaba niya ng hagdan. Gumanti din sya ng isang maliit na ngiti. "Tama ang mama mo, you just need a little time to think. You will never regret this Rafaella, I promise." Paniniguro ng kanyang ama saka lumingon sa asawa nito. Tinitigan niya lamang ang kanyang ama, "H-halika na papa. Baka mahuli pa tayo." Mahinang bulong ni Rafi bago siya nagpatiunang lumabas at sumakay sa likod ng sasakyan. Hindi lumaon ay tinabihan na siya ng kanyang ina habang naka-upo naman sa unahan ang kanyang ama. Tuluyan na silang umalis ng bahay papunta sa pinag-kasunduang lugar. Lutang ang isip na nakadungaw lang siya sa bintana ng sasakyan. Hanggang ngayon ay bumabalik pa rin sa isip niya kung paano niya sinubukang takasan ang kapalaran na ito sa kabila ng paghahanap niya ng mapapangasawa. Tandang-tanda niya pa kung paanong nag-krus ang landas nila ni Paeng. Tanda niya bawat araw na kasama niya ito sa apartment.
"Rafaella, sino si Paeng?" Tanong ng kanyang ina. Mabilis na napukaw nito ang atensyon ng dalaga. "Paano--"
"Pumasok ako sa kwarto mo kagabi para kausapin ka pero natutulog ka na pala." Paliwanag nito, "But I've noticed that you have swollen eyes, may luha pa nga sa gilid ng mata mo. You cried yourself to sleep."
Nag-iwas si Rafi ng tingin, ngayon niya lang napagtantong umiiyak pa rin pala siya. Akala niya ay tuluyan na siyang namanhid. Ngunit sa mga nakalipas na araw nga ay bigla na lang tumutulo ang luha niya kapag nagkakaroon ng pagkakataong mag-isip. Dahil ang naiisip niya lang ay kung paanong maikakasal ang lalaking mahal niya sa iba. Kung paanong hindi si Paeng ang lalaking pakakasalan niya, at kung paanong iniwan siya nito para harapin ang responsibilidad sa pamilya, at ang fiancee nito... ang happy ending na pangarap niya...
BINABASA MO ANG
Cursed Brides Series: My Second-Option Groom (published under PHR)
RomanceDahil sa katarayan, naisumpa si Rafi, kasama ang limang kaibigan. Ang tanging solusyon para mawala ang sumpa ay ang makasal sila bago sumapit ang phenominal Super Moon. Sa sobrang pagkadesperada, pati online dating site ay pinatos na ni Rafi. Pero l...