"HETO na naman 'yong babae, halos araw-araw na yata 'yang pumupunta dito. Kilala mo ba 'yon?" Komento ng babaeng kahera kay Paeng. Nilingon ng binata ang babaeng sinasabi nito, bahagya siyang napa-iling saka ngumiti nang mapagtanto sa mga burloloy pa lamang nito at overdressed style kung sino ang dalagang nakaupo malapit sa counter, "Oo kilala ko..?" Parang ayaw niyang aminin sa kasamahan pero sa dalas ng pagsulyap nito sa kanya ay imposible namang hindi siya kilala nito. Mayamaya at tumayo ito mula sa kanyang bilog na mesa at naglakad para um-order sa counter. Mabilis siyang binati ng babae saka nginitian ng malawak, "Hi Paeng!" sa lakas ng boses nito ay nasapawan niya ang pagbati sa kanya ng kanilang kahera.
"Rafi! Bigla ka yatang naging suki dito?" Nakangiting biro ni Paeng kay Rafi.
Ngumuso si Rafi at saka nagkunwaring nag-iisip, "Wala lang, bukod sa gusto kitang makita. Masarap pala ang kape dito." Napatingin ang kasamahan niya sa kanya ng makahulugan. Parang gusto na lamang takpan ni Paeng ang sariling mukha sa kahihiyan. Bakit ba lapitin siya ng mga agresibong babae na harapan siyang aaminan ng intensyon?
"Can I take your order ma'am?" Pagbabalik ng babae sa mismong punto kung bakit nasa harap si Rafi ng counter ngayon.
"Ay? Nagmamadali sis? Kita mo nang nag-a-eye-to-eye pa kami ng boyfriend ko oh?" Reklamo ni Rafi. Napa-awang naman ang bibig ni Paeng nang marinig niya ang salitang 'boyfriend', mabilis siyang dumepensa sa sinabi nito, "Hoy, haha... nagbibiro lang siya." Maging ang barista nila na nasa gilid ay napalingon. Malamang ay hindi nila aakalain na ganoon ang tipo niya, siya ang pinakatahimik sa kanila. Ang tanging ginagawa niya lang pagpasok sa cafe ay gawin ang kanyang trabaho. Kung minsan ay kinukulit siya ni Jenny ngunit hindi niya 'yon pinapatulan dahil ayaw niyang masanay ito.
Pero ang babaeng kaharap niya ngayon, nagagawa siyang pagdaldalin. Naisip niya na okey lang naman siguro dahil customer naman ito. Isa pa, naaaliw siya sa kakulitan ni Rafi.
"So hindi pa po kayo oorder?" Sinusubukan pa rin maging magalang ng kahera kahit halatang napipikon na. May mga naghihitay rin kasi sa likuran.
Rafi rolled her eyes, "Hay naku! Napaka-impatient naman! Kung ako ang boss mo sisante ka na!" Napikon na rin si Rafi dahil sa tono ng babae sa kanya, ang pinaka-ayaw pa naman niya ay yung sinasabihan siya ng dapat niyang gawin.
Napabuntong-hininga ang kahera, "Well, it is my last day today." bulong nito na kapwa naman narinig ni Rafi at Paeng. Napatikom ang bibig ni Rafi, "Oops, knew it." hindi makapag-pigil na komento nito. Sa wakas ay um-order na rin sya para matakasan ang awkward na sitwasyon. Bakit ba naman kasi magsasabi ng ganun balita, nahulas tuloy ang gana niyang makipag-landian.
Mayamaya ay dinala na ni Paeng ang order niya sa kanyang mesa. "Thank you papi!" sabi niya. Humalukipkip ang binata, sinusubukang itago ang hiyang nararamdaman, hindi siya sanay na tinatawag ng kung anu-ano, "Paano mo nga pala nalaman na dito mo ako makikita?"
She took a few sip at saka masayang inilabas ni Rafi ang dalawang folder na nasa loob ng kanyang LV bag na mukhang may kabigatan, "Ipinahanap ko kung saan kita makikita. Duh? Tapos eto pa ang part two, kita mo 'tong folder na 'to? Resulta 'to ng pagpapa-imbestiga ko sa 'yo." Nakangiting sagot ni Rafi. Nataon kasing nakisuyo sa kanya ang kaibigang si Maki para ipahanap ang plate number ng nakabunggo sa kapatid nito kaya isinabay niya na rin ang pagpapa-imbestiga kay Paeng. Unang binasa ni Rafi ang dokumento ni Maki dahil nakatakda silang magkita ngayon, nananatili pa ring selyado ang balot ng folder na naglalaman ng impormasyon ni Paeng.
"Pina-private investigate mo ako?!" Bakas sa mukha ni Paeng ang pagkagulat.
Proud na tumango naman si Rafi, "Mismo, pero hindi ko pa nabubuksan. Teka basahin nga-"
BINABASA MO ANG
Cursed Brides Series: My Second-Option Groom (published under PHR)
RomansaDahil sa katarayan, naisumpa si Rafi, kasama ang limang kaibigan. Ang tanging solusyon para mawala ang sumpa ay ang makasal sila bago sumapit ang phenominal Super Moon. Sa sobrang pagkadesperada, pati online dating site ay pinatos na ni Rafi. Pero l...