"MAKI, kumusta na kayo ni Jarret? May nangyari na ba?" Bungad ni Rafi sa kay Maki pagsagot nito ng telepono. Naisipan niya itong tawagan para mangamusta kaya hiniram niya ang cellphone ni Paeng. Nakapag-bukas din kasi siya ng facebook nang mga nagdaang araw at nakibalita kina Kwini, Charry, at Dani. Binigay niya rin ang number ni Paeng sa mga kaibigan para matawagan siya. Kagaya ng inaasahan ay may mga prospect target na groom na rin ang mga ito. Umaariba din naman ang kanilang bise na malapit na raw na ikasal! Kaya naisip niyang idaldal din ito kay Maki.
"Wala pa." Halos pabulong ang sagot nito.
"Aba! Bilis-bilisan mo naman. Gusto mong gumanti, di ba? Grab your chance. Pikutin mo na lang siya para maalis ka sa sumpa.May iba ka pa bang lalaking binabalak na pakasalan bukod kay Jarret?"
She rolled her eye, isang kwarto na nga lang ang pinagamit niya sa dalawa para mas madaling magkalapit ang dalawa pero zero pa rin? Hindi niya maiwasang magduda. Being with your ex in one house for a couple of days? Magagawa nga kaya nilang matiis ang tawag ng pagnanasa?
Napailing siya. Dati pa man ay botong-boto na siya sa dalawa kaya nga tumulong talaga siya ultimo sa pag-kidnap kay Jarret.
Dahil ika nga, destiny has its habit of coming back.
"Si Salve ay malapit nang ikasal kay Justin, Maki." patuloy niya. "Si Kwini naman, kay Strike. Ganoon din sila Dani at Chari. Napag-iiwanan ka na. Baka habambuhay mong dalhin ang sumpa kung hindi ka agad makakapag-asawa."
"Eh, ikaw? Nabili mo ba 'yong lalaking nagugustuhan mo?"
"Oo naman." Nakagat niya ang labi pagkasabi. Hindi naman talaga niya nabili o mabibili pa si Paeng pero ayaw niya namang mag-alala pa ito sa kanya kaya nagkunwari na lang siyang masaya at smooth ang naging plano, "At napakasaya ko, Maki. Invited ka sa kasal namin ni Rodrigo." Minabuti niyang apelyido na lang ni Paeng ang ipaalam niya dito dahil parang binunot pa sa lumang baul ang pangalan ng binata.
Sa buong pag-uusap nila ay alam niyang masaya na ito ngayon kasama si Jarret. Ganoon na rin siguro siya, kung hindi lang siguro pakipot itong si Paeng o kung bumalik na lang siya sa kanila at magpakasal sa matandang Ventura na 'yon.
"Tigilan mo na 'yan Rafi, papasok ka pa ba sa trabaho o ano?" Sigaw ni Paeng habang kumakatok sa kwarto. Kanina pa kasi ito nakahandang umalis papunta sa trabaho.
"Oo na, eto na!" Nagmamadaling sagot ni Rafi sa kanya. Mabilis siyang nagpaalam sa kaibigan sa telepono bago binuksan ang pinto. Palabas na sana siya ng kwarto pero hindi naman tumabi si Paeng kaya hindi siya makadaan.
"Rafi naglilinis ka ba ng kwarto?" Tanong sa kanya ng binata. Napataas siya ng kilay saka nilingon ang kwarto sa likuran, "Ah, oo naman, busy lang ako kaya makalat." Pagsisinungaling niya. "Saka bakit ako ang kailangang maglinis ng kwarto? Di 'ba hati naman tayo?"
"Eh syempre ikaw naman ang babae, saka ikaw ang nasa kama."
"So what naman kung ako ang babae? At pwede ba, matagal ko nang sinasabi sa 'yo na pwede naman tayong magtabi kasi kasya naman tayo, napakaarte mo kasi para kang dalagita."
"Rafi, you're missing the point--"
"Bakit ikaw rin naman ah? Akala mo ba hindi ko napapansin? Naglilinis ka pero kaunti lang. Ni hindi ka nga marunong humawak ng walis ng maayos. Akala ko ba promdi ka?"
Saglit na natigilan si Paeng, "At least sinusubukan ko no! Saka ang paglilinis gawaing babae 'yan! Syempre nasa palayan ako lagi sa probinsya namin!"
"Palayan? Teka, eh bakit parang hindi ka naman bilad sa araw?" Hinawakan pa ni Rafi ang palad ng binata, "At 'tong palad mo, ang lambot in fairness! Aba, magkasing-kinis lang yata tayo ng balat eh!" Itinaas ni Rafi ang haplos paakyat sa balikat nito, "At ang biceps mo, parang 'yung tipong nag-gy-gym!"
BINABASA MO ANG
Cursed Brides Series: My Second-Option Groom (published under PHR)
RomanceDahil sa katarayan, naisumpa si Rafi, kasama ang limang kaibigan. Ang tanging solusyon para mawala ang sumpa ay ang makasal sila bago sumapit ang phenominal Super Moon. Sa sobrang pagkadesperada, pati online dating site ay pinatos na ni Rafi. Pero l...