THERE'S always something good at waking up in the morning. But it's extra special when you know that the person you love feels the same way for you. Halos araw-araw ay ganado si Paeng. He finally felt a fulfillment, all because of Rafi.
Lumabas siya sa kwarto para hanapin si Rafi, wala na kasing laman ang bahagi ng kama nito nang magising siya.
Paglabas niya ay nabungaran niya na naman ito, nagluluto ng sunny-side up. Her hair was on a messy bun but it looked just fine. Tahimik niyang nilandas ang distansya nila saka niya niyakap mula sa likod ang dalaga. Bahagya pa itong napatalon ngunit ngumiti rin ito. "Na-perfect ko na rin sa wakas magluto ng eggs oh!" Proud na pagmamalaki nito sa kanya.
"Naks, pwede ka na mag-asawa."
"Mag-aasawa na talaga ako, ikaw lang naman 'tong hinihintay ko." Biro ni Rafi.
Sabay silang nag-agahan. Balak pa nga sana nilang sabay na pumunta sa coffee shop ngunit biglang nakatanggap ng tawag si Rafi, gamit ang cellphone niya, mula sa mga kaibigan nito. Tungkol daw kay Salve, araw na daw kasi ng kasal nito. Hindi niya masyadong naintindihan ngunit biglang nagmadaling umalis ito para pumunta sa kung saan na hindi na niya nausisa pa.
"Babae talagang 'yon, natuto lang mag-taxi..." Bulong niya habang nakangiting pasakay sa motor. Ngunit natigil siya nang tumunog muli ang cellphone niya at makitang si Kevin iyon.
"Oh Kevs?" Pagtataka niya dahil panigurado ay mahalaga ito para tumawag ang kaibigan overseas.
"Bro, kailangan mo nang umuwi. Narinig mo ba 'yong nangyari sa dad mo?" Walang prenong bungad ni Kevin sa kabilang linya. Umahon ang pag-aalala kay Paeng nang marinig ang sinabi ng kaibigan, "Anong tungkol sa kanya?"
"Inatake daw sa puso, kritikal daw sa ospital sabi nung nakausap ko, hinahanap ka daw kaso hindi ka naman matawagan. Bro umuwi ka na naaawa ako sa erpats mo eh." Dagdag pa nito, "Saka baka umuwi na rin ako dyan sa susunod na araw. Okay na kasi si mama dito."
Hindi na niya inintindi pa ang ibang sinabi nito. Gamit ni Rafi kanina ang cellphone niya kaya malamang ay hindi siya natawagan. Kung kailan ba naman maayos na ang lahat sa kanya ay ngayon pa ito nangyari. Kahit baliktarin pa rin niya ang mundo ay nangingibabaw pa rin ang pagiging anak niya sa kanyang ama. Pero alam niyang kakabit noon ang mga bagay na pinilit niyang takasan noon.
At si Rafi, naisip niya, ang pinakamahalagang bagay sa buhay niya ngayon.
Nasuntok niya ang puno na nasa kanyang gilid, kailangan na niyang aminin kay Rafi ang lahat.
"ANONG problema? Kanina ka pa sa cafè tahimik tapos lutang. Hindi ko tuloy maikwento sa 'yo 'yung pinuntahan kong kasal nila Sav at Justin!" Medyo pabiro pa ang pagkakatanong niya kay Paeng dahil ilang segundo na rin itong walang kibo.
"May kailangan akong sabihin, may kailangan akong aminin sa 'yo." Diretsong sabi ni Paeng. His voice was all dull and emotionless.
"Tungkol saan?"
There was a long, deafening silence.
"Nagsinungaling ako sa 'yo Rafi. Hindi totoo ang lahat."
Namilog ang mga mata ni Rafi, hindi niya maintindihan ang sinasabi ni Paeng. Napawi ang ngiti niya. A slight panic shoved through her spine. Nararamdaman niyang hindi niya ikatutuwa ang mga susunod pang sasabihin nito.
"H-hindi totoong taga-probinsya ako at lumuwas lang sa Maynila para magtrabaho. Ang totoo niyan ay... parehas lang tayo." Hindi makatingin ng tuwid si Paeng. Kinakain siya ng sariling guilt. Hindi niya rin gustong makita ang reaksyon ni Rafi.
BINABASA MO ANG
Cursed Brides Series: My Second-Option Groom (published under PHR)
RomanceDahil sa katarayan, naisumpa si Rafi, kasama ang limang kaibigan. Ang tanging solusyon para mawala ang sumpa ay ang makasal sila bago sumapit ang phenominal Super Moon. Sa sobrang pagkadesperada, pati online dating site ay pinatos na ni Rafi. Pero l...