Chapter 9

78 4 5
                                    


ISA sa mga bagay na ikinasasaya ni Rafi sa pinagta-trabahuan nila ay sarado ito pag linggo. May panahon pa rin siya para magrelax. Pero ngayong linggong ito nila napagkasunduan ni Benjie na ituloy ang binabalak nila.

Paglabas niya sa kwarto ay naabutan niyang tahimik ang buong sala. Marahil ay naliligo si Paeng dahil naririnig niya ang lagaslas ng tubig mula sa banyo nang magpunta siya sa kusina. Dahil sa katigasan ng ulo nito, tatlong araw pa lang ay tinanggal na nito ang arm sling kaya ngayong isa't-kalahating linggo na ang nakalipas magmula ng insidente ay balik na ulit ito sa normal. Bagay na ipinagpapasalamat niya.

Naisipan niyang magluto ng itlog since ito lang naman kasi ang kaya niyang lutuin. Kapag ganitong araw ay wala naman talaga silang choice kundi ang magluto. Malapit ang stove sa pintuan ng banyo kaya dinig na dinig niya ang malakas na pagbuga nito ng hangin.

His soft moans get louder as the time goes by, turning her on. Medyo nadismaya siya nang bigla na lang tumigil ang tunog na nanggagaling sa banyo, wala na tuloy siyang marinig. Hindi niya maintindihan pero bigla na lang siyang dinala ng sariling paa sa tapat ng banyo. Inilapat ni Rafi ang tenga sa pintuan, umaasang may maririnig pa. Ngunit hindi niya inasahan ang sunod na nangyari, sa isang iglap, hindi na pinto ang nasa harap niya kundi ang medyo basa pang dibdib ni Paeng, nakabalot din ng twalya ang ibabang bahagi ng katawan nito.

"What the... Rafi? Anong ginagawa mo sa harap ng pintuan ng banyo habang naliligo ako?"


Natameme si Rafi. Wala siyang back-up plan, "Ano, kasi..."


"Sinasabi ko na nga ba gusto mo akong silipan!"

Natigagal si Rafi, mabuti na lang at naamoy niya ang nasusunog na niluluto niya. Dali-dali siyang naglakad palayo sa binata para patayin ang kalan.

"A-ano, yayayain nga kasi kita na sumama sa 'min nila Jenny mamaya sa park." She went back to her composure as she continues, "Oo tama, kasi nilalakad ko si Benjie kay Jenny eh di 'ba nga mas close kayo ni Jenny kaya sumama ka na."

Paeng reluctantly nodded, "Sige, sasama ako, since maganda naman 'yang palusot mo. Wag ka mag-alala, hindi ko ipag-kakalat na sinubukan mo akong bosohan." mapang-asar na sabi ni Paeng. Nakagat na lamang ni Rafi ang labi bago tuluyang namula sa kahihiyan.




NANGUNGUNA si Rafi sa paglalakad papunta sa malapit na park, "Kasi guys, I heard may concert daw dito mamayang gabi. So, bongga di 'ba?" Paliwanag ni Rafi sa tatlo pang kasama nang marating ang park.

"Mamaya pa namang gabi 'yon. Sa ngayon anong gagawin natin?" Tanong ni Benjie.

Tumigil sa paglalakad si Rafi saka humarap sa mga kasama, "Magandang tanong Benj. Mag-isip tayo guys. Teamwork!"

"Bakit hindi muna tayo mag-bike?" Suhestiyon ni Paeng sabay turo sa isang rent-a-bike shop.

Rafi chuckled, "Ngek, korni mo naman Paeng, humanap tayo ng ibang gagawin."

Pero salungat sa kanya, mabilis naman na sumang-ayon sina Jenny at Benjie kaya naglakad ang tatlo palapit sa shop na para bang walang nakarinig sa komento niya.

"Teka lang! Wag na tayong mag-bike!" Nakangusong giit ni Rafi.

"Ang kj mo naman, tara na! Or else iiwan ka namin." Pananakot ni Paeng.

"Hoy, you are not leaving without me!"

Nag-make face lamang si Paeng sa kanya. Bagay na ikinapikon niya. She folded her arms, "O sige! Iwan mo 'ko dito! I hope you have fun!" Sarkastiko niyang saad. Nauna nang maglakad palayo sina Jenny at Benjie at may kanya-kanya na ring hawak na bisikleta.

Cursed Brides Series: My Second-Option Groom (published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon