Everything felt like deja vu. Nasa isang maliit at ngayon ay pamilyar na apartment na naman siya, pero sa pagkakataong iyon ay hindi na siya nakaramdam ng anumang takot. Tinignan niya ang orasan na nasakabit sa dingding at napagtantong alas-otso na ng umaga. Napagdesisyunan niyang bumangon at lumabas ng kwarto. Nadatnan niya si Paeng na natutulog sa couch. Namamaluktot pa ito para pagkasyahin ang malaking pangangatawan sa maliit na couch sa sala dahil iisa lang ang kwarto sa apartment.
Tahimik siyang naupo sa isang bakanteng single couch katabi ng hinihigaan ni Paeng. Napangiti siya nang maalala ang nagdaang gabi. Siguro ay natutulog na siya sa kalsada ngayon kung hindi ito dumating para tulungan siya.
"Why do you always come at times when I need help most?" Manghang bulong niya habang nakatitig sa payapang mukha nito habang mahimbing pa rin ang pagkakatulog.
Minasdan niya ito ng mabuti. Tinitigan niya kung gaanong makakapal ang kilay nito maging ang mahahabang pilik-mata na kadalasan ay sa babae niya lang nakikita. Ang matangos nitong ilong pababa sa manipis ngunit mapula nitong labi na napakaganda ng pagkaka-kurba. He may not have a fair skin but his tanned tone added up his manly charm.
And she didn't even started with his perfectly sculpted body.
Hindi namalayan ni Rafi na kagat niya na pala ang ibabang labi. Napalunok siya, "Grabe, sino ba namang hindi maaakit dito?" Sabi niya bago kinagat ang hintuturo. Aminado siya, hulog na hulog na ang loobniya ang binata. Napukaw na nito ang atensyon nya una pa lang, crush niya na ito kahit inakala niyang kidnapper si Paeng, o kahit pa naka uniporme ito ng pang-server sa coffee shop. Pero nang makita niya ito kagabi, habang sinusukuban siya ng payong at nakangiti, ay lalo lang siyang nahuhulog dito. Walang preno, wala na yata siyang magagawa.
Pero, kung titignan kung gaano siya paulit-ulit na tinatanggihan nito, mukhang hindi yata siya gusto ng binata. Parang kinurot ang puso ni Rafi sa naisip. But then she clasped her fist, she's Rafaella Raymundo, she gets whatever she want!
"Since hindi ko na siya kayang bigyan ng datung aakitin ko na lang siya sa loob ng halos dalawang buwan! Keri! Walang nakakatanggi sa alindog ni Rafaella!" Untag niya bago ibinalik ang paningin sa natutulog na binata. Hindi pa siya nakuntento at tumayo siya sa kinauupuan at naupo sa sahig sa tabi ng sofa. Inilapit niya ng bahagya ang mukha kay Paeng para mas matitigan niya ng mabuti. Hindi niya alam pero hindi siya makaramdam ng panghihinawa sa ginagawa niya.
Rafi almost jumped when his eyes shot wide open. Their faces were almost five inches apart. Walang balak na kumilos si Rafi at putulin ang titig dito. Ngunit hindi rin nagtagal ay mabilis na bumangon si Paeng sa sofa at inihilamos ang sariling palad sa mukha, "Rafi, kanina ka pa gising?" Tanong nito.
Naisip ni Rafi na lalo pang mas naging hot si Paeng dahil sa boses nito kapag bagong gising. "H-ha? Hindi naman, may lamok kasi sa mukha mo, papatayin ko sana." Palusot niya. "Salamat nga pala kagabi, pangalawang beses mo na akong tinutulngan." Pag-iiba niya ng usapan. Ngumiti ng maliit si Paeng, "Wala 'yon. Mabuti nga nakita kita doon at maraming loko 'dun." Naupo si Paeng ng maayos kaharap ni Rafi at saka muling nagtanong, "Teka, bakit ba nandun ka? Saka bakit ka umiiyak?" Siyasat nito.
Nag-alangan si Rafi na sagutin ang tanong nito, naramdaman naman 'yon ni Paeng, minsan ay naguguluhan siya sa dalaga. Kung minsan ay para itong supladang mayaman na walang pakialam sa mararamdaman ng iba.
And then there's this side of her, ang Rafi na parang inosenteng bata na walang tunay na alam sa mundo, naive. Parang pakiramdam niya na dapat ay laging protektahan.
Minabuti niya na lang na ibahin ang usapan.
"Since umaga na, san ka ba nakatira? Ihahatid na kita pauwi." He offered.
BINABASA MO ANG
Cursed Brides Series: My Second-Option Groom (published under PHR)
RomanceDahil sa katarayan, naisumpa si Rafi, kasama ang limang kaibigan. Ang tanging solusyon para mawala ang sumpa ay ang makasal sila bago sumapit ang phenominal Super Moon. Sa sobrang pagkadesperada, pati online dating site ay pinatos na ni Rafi. Pero l...