ANGEL BY MY SIDE
♫ Could it be that I have found an angel
I can see heaven in your eyes
In my soul I never will be lonely
For there will be an angel by my side ♫
(Do)
"What do you think?" tanong ko kay Jules matapos kong ipakita sa kanya ang bakanteng unit sa second floor ng Emerald building sa Ayala, Makati. Ang commercial unit na iyon ang ibinibigay ko sa kanya para sa pagtatayo niya ng sariling dermatology clinic.
Kitang-kita noon ang kasiyahan sa mukha niya. Napakaganda ng ngiti niya habang pinagmamasdan ang kabuuan ng unit. "Ang luwang pala, Bespren!" sagot niya. "Ang ganda-ganda! More than perfect ito para sa clinic ko!"
"Tell me lang kung kelan mo sisimulan yung pag-aayos," sabi ko. "Ako nang makikipag-usap sa building administrator, para walang maging abala. Kilala ako noon."
Tiningnan niya ako, todo-ngiti pa rin. "Ibibigay mo talaga ito sa akin, Bespren?"
Tumango ako. "Oo naman. Sabi ko sa yo, di ba? Ipapaayos ko na yung papers."
Bigla siyang humarap sa akin. Bigla niya akong niyakap. "Thank you, Bespren!" Bigla niyang inilapit sa akin ang mukha niya. Ang labi niya, palapit sa labi ko.
Dahil siguro sa pagkahiya at pagkabigla, iniwas ko ang labi ko at sa pisngi niya ako nahalikan. Pagtingin ko sa kanya ulit, nakatitig siya sa akin. Parang may pagkadismaya sa mga mata niya.
Sandali kaming ganoon, magkayakap, nagtititigan.
Pagkatapos ay ngumiti siya at masuyo akong niyakap. "I'm sorry ha," sabi niya. "Carried away. Natutuwa kasi talaga ako. I'm so thankful na nandiyan ka to help me. Ang bait-bait mo kasi sa akin."
Napangiti ako sa sinabi niya, pero hindi pa rin nawawala noon ang bahagyang pamumula ng mukha ko dahil sa paghalik niya. Sa hindi ko maintindihang dahilan, parang nagsisisi ako at iniwas ko ang labi ko.
At sa gitna ng alanganing sitwasyon na iyon, biglang may narinig akong tumunog na cellphone.
Biglang bumitiw si Jules sa akin. "Excuse me ha, Bespren," sabi niya.
Kinuha niya ang cellphone niya mula sa dala-dala niyang bag. Sinilip niya muna kung sino ang tumatawag bago niya iyon sinagot. "Hello, Sha..."
Napaismid ako. Si Sharon?
"Ano?" gulat na tanong ni Jules. Medyo tumaas ang boses niya. "Bakit? Anong nangyari?"
Natigilan ako. Sa loob-loob ko, anong nangyari?
Bumuntung-hininga siya. Kapansin-pansin na hindi mapakali ang kamay niya. "Sige, Sha, I'll be there. Hintayin nyo ko." Pagkatapos ay pinutol na niya ang tawag. Tumingin siya sa akin. Halata ang pagkabalisa niya.
"Bakit, Bespren?" tanong ko. "Anong sabi ni Sha?"
"Si Jenna," sagot niya. "Saka yung kambal nina Sha, may nakaaway daw na dalawang kaklaseng lalaki."
"Ganon?" Nagsalubong ang mga kilay ko. Gulat na gulat ako. Alam kong makukulit ang kambal na mga anak nina Sharon at Randy, pero hindi ko inasahan na makikipag-away ang mga iyon. Babae at lalaki ang kambal, at kasama ni Jenna na babae rin, hindi yata maganda ang nangyari.
BINABASA MO ANG
Simple Heart
RomanceWith his fiancee dead and his heart grieving, a long lost love from the past returns to help Mike heal his wounded heart. Is there still a place in his heart to rekindle their love?
