JEALOUS
Jealous of the girl who caught your eye ♫
One of my darker days
When you looked at her where was I?
♫ Shoulda been in her place
(Nina)"Kuya, may bisita ka."
Boses iyon ni Vanessa. Hindi ko siya tiningnan. Abala ako sa ginagawa ko. Nakatutok ang mga mata ko sa computer, sa internet kung saan pinag-aralan ko ang presyo ng mga condo units noong panahon na iyon. Malaki kasi ang ipinagbago ng mga iyon matapos ang tatlong buwan na hindi ko napapansin.
"Sino?" tanong ko nang hindi siya tinitingnan. Pero sa mga oras na iyon, ayoko talagang magpaabala.
"Hi, Bespren!"
Boses ni Jules.
Napalingon ako.
Magkatabi silang nakatayo ni Vanessa sa may pintuan. Nakangiti sila pareho, pero iba ang ngiti ni Vanessa. Parang gustong manukso.
Matamis naman ang ngiti ni Jules, hatalang tuwang-tuwa.
"Bespren?" Iyon lang ang nasabi ko. Bakit siya nandito?
Nakangiti lang siya habang nakatitig ako sa kanya. "Hindi mo ba ko papapasukin, Bespren?"
Nahimasmasan ako at napangiti. Agad akong tumayo at lumapit sa kanya. "Pasok ka, Bespren. Take a seat." Hinatid ko siya sa upuan at inalalayan siya sa pag-upo.
"Thank you," sabi niya.
Napatingin ako sa suot niyang blouse. Sleeveless iyon, lantad ang balikat niya. Naalala ko, malamig ang aircon. Sanay kasi ako na ganoon. Sigurado akong giginawin siya.
Agad kong hinubad ang suot kong blazer at isinuot ko iyon sa kanya.
"Naku, Bespren, huwag na," angal niya.
"I insist, Bespren. Maginaw dito sa office ko."
Muli siyang ngumiti, mas matamis. "Thank you. Napaka-gentleman mo pa rin."
Hindi ako sumagot. Bumalik ako sa upuan ko sa likod ng desk, kaharap siya. "Napadalaw ka, Bespren?" tanong ko.
"Masama bang dalawin ang lalaking mahal ko?" sagot niya.
Namula ang mukha ko. Gaya nang ilang beses niyang pagbanggit noon mula nang makabalik siya sa bansa, parang asiwa pa rin ako. Naiisip ko kasi, hindi na kami bagay sa isa't isa. Masyado nang maraming nagbago sa akin. Hindi na ako karapat-dapat sa kanya.
Ngumiti na lang ako. "Seriously, Bespren..."
Yumuko siya, nakangiti pero sandali siyang pumikit. Pagkatapos ay muli niya akong tiningnan. "I'm hoping na matutulungan mo ko, Bespren. Tutal, about properties naman ang business mo."
"Anong klaseng tulong?" tanong ko.
"Gusto kong magtayo ng clinic sa Makati. Doon sa mataong lugar. Sana tulungan mo ko to find the perfect spot for that."
Napaisip ako. Isang siyang dermatologist. Mga babae ang karamihan sa magiging customers niya, preferably mayayaman. Dapat very accessible ang magiging clinic niya sa mga eletista sa Makati.
Napangiti ako. "I think I got the perfect place," sagot ko.
Biglang lumiwanag ang mukha niya. Ang ganda ng naging ngiti niya. "Talaga?"

BINABASA MO ANG
Simple Heart
Roman d'amourWith his fiancee dead and his heart grieving, a long lost love from the past returns to help Mike heal his wounded heart. Is there still a place in his heart to rekindle their love?